GMA Logo god of lost fantasy
What's Hot

'God of Lost Fantasy,' mapapanood na sa GMA Fantaseries

By Aimee Anoc
Published July 23, 2021 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

god of lost fantasy


Minsan, nasa kahinaan ang tunay na kapangyarihan. Abangan ang 'God of Lost Fantasy sa GMA Fantaseries.

Isang Chinese fantaseryeng iikot sa digmaan ng kabutihan at kasamaan ang panibagong handog ng GMA Fantaseries--ang 'God of Lost Fantasy'.

Pinagbibidahan ito nina Peter Sheng at Ava Wang, kasama sina Jiang Yi Chen, Tang Jing Mei, at Wu Pei Rou.

Limang daang taon na ang nakararaan mula nang isakripisyo ni Lady Huang ang sarili upang pansamantalang magapi ang espada ng kadiliman.

Ngayong muling nagbabalik ang banta ng kasamaan, kinakailangan nang mahanap ang kaisa-isang tagapagmana ni Emperor Cang--ang taong nagtataglay ng espiritwal na bato ng bituin.

Si Qin Weng Tian, minamata mula pagkabata dahil sa kanyang kakulangan. Idineklara na ring mahina ng kanyang mismong angkan. Lingid sa kaalaman ng lahat, taglay niya ang natatanging kapangyarihang kayang sumupil sa kadiliman.

Si Mo Qing Cheng, babaeng malakas at may paninindigan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Wen Tian at sasamahan ito sa kanyang pakikipagsapalaran.

Kaya nga bang masupil ni Wen Tian ang nagbabadyang paghaharing muli ng kadiliman sa sangkatauhan?

Kaya nga bang muling manaig ng kabutihan laban sa kasamaan?

Abangan sa 'God of Lost Fantasy' sa GMA Fantaseries.