
Naghahanap ka ba ng quick escape ngayong summer?
Sawa ka na ba sa mga posts na nakikita mo na throwback getaway?
Worry no more dahil narito ang floating cottage na puwedeng puntahan ng pamilya at mag tropa kapag puwede na ulit mag-travel!
Sa Calauag, Quezon, mayroong isang lugar na perpekto para sa isang quick escape.
Ayon sa owner ng Sea Escape Floating Cottage na si Michelle Rosete, kuwento niya sa Pera Paraan, "Nag-start lang po yang idea namin noong nagka-pandemic.
"Hindi po kami maka-travel, nung nakalabas na kami, sa kabilang dagat lang po kami nakapunta. May nakita po kaming balsa doon na pinaparentahan at doon lang po kami nagbakasyon."
Mula sa simpleng balsa, naisipan ni Michelle na magtayo ng sarili niyang negosyo.
Patuloy na panoorin ang Pera Paraan tuwing Huwebes, 8:30 PM pagkatapos ng 24 Oras.
Panoorin ang kanyang pandemic success story sa Pera Paraan: