GMA Logo ate shawee
What's Hot

Impersonator ni Sharon Cuneta na si Ate Shawee, pumanaw na

By Jansen Ramos
Published July 26, 2021 4:10 PM PHT
Updated July 26, 2021 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

ate shawee


Nakipaglaban ang impersonator na si Ate Shawee sa sakit na liver cirrhosis.

Pumanaw na ang komedyante at sikat na impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si Marvin Martinez, o mas kilala sa screen name niyang Ate Shawee, sa edad na 45.

Ito ay ayon sa Facebook post ng talent manager na si Freddie Bautista ngayong Lunes, July 26.

"Isa na namang nakakalungkot na balita.

"Pumanaw ngayon ang # 1 Impersonator ni Mega Star Sharon Cuneta na si Marvin Martinez a.k.a. ATE SHAWEE.

"Maraming maraming salamat sa Raket, Bonding at magagandang samahan.

"Ate Shawee, mami-miss ka namin.

"Gone too soon.

"I am shocked right now," sulat ni Freddie kalakip ng larawan ni Ate Shawee.

Nakipaglaban si Ate Shawee sa sakit na liver cirrhosis.

Nitong Sabado, July 24, lamang ay muli siyang isinugod sa Chinese General Hospital sa Maynila dahil sa kanyang lumalalang kundisyon.

Sa report ng PEP.ph, nakapanayam nila ang pamangkin ng komedyante na si Rafaela De Jesus.

Malungkot na ibinahagi ni Rafaela na kapatid na lamang ni Ate Shawee ang nakikilala ng impersonator bago ito bawian ng buhay.

Ayon pa sa pamangkin ni Ate Shawee, sumuka at dumumi ito ng dugo sanhi ng sakit. Wala na rin daw ito sa sarili at hindi na nakakapagsalita.

Nagbahagi rin ang nasabing entertainment website ng ilang larawan ni Ate Shawee na nakaratay sa kama. Base sa mga larawan, hindi na makilala ang sikat na impersonator ng Megastar dahil sa labis na kapayatan.

Humihingi naman ng tulong si Rafaela sa publiko bilang pambayad sa hospital bill ni Ate Shawee.

Nakikiramay ang GMANetwork.com sa pamilya na naulila ni Ate Shawee.

Maaga mang namaalam, nag-iwan naman ng masasayang alaala si Ate Shawee sa kanyang fans at viewers.

Narito ang pagpupugay ng GMANetwork.com sa mga namayapang komedyante na naghatid sa atin ng ngiti sa telebisyon: