GMA Logo intimewithyouMAIN
What's on TV

Ang mag-BFF na sawi sa pag-ibig, kilalanin sa 'In Time with You'

By Bianca Geli
Published July 29, 2021 2:30 PM PHT
Updated August 12, 2021 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

intimewithyouMAIN


Dahil parehas na single ang mag-best friend na sina Christine at Simon, maiisipan nilang magkaroon ng pustahan bago ang kanilang 35th birthday.

Successful man si Christine (Mo Monchanok Saengchaipiangpen) sa career niya sa isang sikat na shoe company, sawi naman siya lagi sa pag-ibig. Sa edad na 30, hangad ng pamilya ni Christine na magpakasal na ito. Ngunit puro luha lamang ang nakukuha niya sa pag-ibig, at ang tanging sandalan niya ay ang best friend na si Simon (Pae Arak Amornsupasiri).

Habang iniisip ang kanilang hinaharap, magkakasundo sina Christine at Simon na kung sino man ang hindi pa kasal sa edad na 35, magbabayad ng ฿100,000.

Parehas na makikipag-date sina Christine at Simon sa ibang mga tao para mahanap ang kanilang "The One" pero hindi pa rin mawawala ang pagiging malapit ng mag-BFF sa isa't isa.

Paano kaya kung may isa sa kanila ang ma-develop ang feelings para sa tinuturing na best friend? Hanggang best friends forever na lang ba talaga sila Christine at Simon, o maging lovers din sila in the end?

Abangan ang Thai adaptation ng Taiwanese drama na ito, tampok ang Thai stars na sina:

Mo Monchanok Saengchaipiangpen bilang Christine

A post shared by Monchanok Saengchaipiangpen (@momonchanok)

Cherreen Nachjaree Horvejkul bilang Miki

A post shared by CherreenHvk (@cherreen.hvk)

Chin Chinawut Indracusin bilang Gabriel

A post shared by Chinawut Indracusin (@chinchinawut)

Bright Vachirawit Chivaaree bilang Nick

A post shared by bright (@bbrightvc)

at si Pae Arak Amornsupasiri bilang Simon

A post shared by paearak (@paearak)

Abangan ang In Time with You, ngayong August 2 na, 2:00 p.m., Mondays to Fridays sa GTV!