GMA Logo Uhm Ki-joon
What's on TV

Uhm Ki-joon, masasaksihan sa Korean drama 'Innocent Defendant' sa GTV

By Dianne Mariano
Published July 29, 2021 5:29 PM PHT
Updated August 13, 2021 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Uhm Ki-joon


Handa na ba kayo sa pagganap ni Uhm Ki-joon bilang si Reggie at Ronnie Cha sa 'Innocent Defendant'?

Masasaksihan ang dual na karakter ni Uhm Ki-joon bilang Reggie at Ronnie Cha sa kapanapanabik na bagong Korean drama series na Innocent Defendant na malapit nang mapanood sa GTV.

Ang kambal na sina Reggie at Ronnie ang mga heredero ng tanyag na Chamyoung Group.

Bagamat sila ay may pagkakahalintulad sa itsura ay ibang iba naman ang kanilang personalidad.

Si Reggie ay isang mapagmahal at seryoso na tao sa kanyang pamilya, responsable at mahusay ang pagpapatakbo sa kanilang kumpanya.

Si Ronnie naman ay kabaliktaran ng kanyang kapatid.

Wala na siyang ibang ginawa kundi magpakasaya lamang sa buhay at sa isang malagim na pangyayari ay makakapatay pa siya ng isang babae.

Dahil sa pagkakamali niya na ito, hihikayatin siya ni Reggie na sumuko dahil si Julius Park--isang kilalang top prosecutor ng Seoul Central District--ang hahawak sa kaso niya.

Magagawa ni Ronnie na kitilin ang buhay ng sarili niyang kapatid upang makatakas at kunin ang identity nito ngunit hindi siya magtatagumpay dahil matindi ang suspisyon sa kanya ni Julius Park.

Kabilang sa Korean drama series na ito sina Ji Sung, Uhm Hyun-kyung, Kwon Yu-ri at Oh Chang-seok.

Bago siya sumabak sa pag-arte sa telebisyon, nakilala si Uhm Ki-joon sa kanyang pagganap sa musical plays gaya na lamang ng Richard III, Grease, The Count of Monte Cristo at Catch Me If You Can.

Mula noon, nagkaroon siya ng oportunidad na bumida at makasama sa mga tanyag na Korean drama series tulad ng Scent of a Woman (2011), Dream High (2011), The Virus (2013), I Am Not a Robot (2017) at Wizard of Nowhere (2018).

Tanyag din ang aktor sa kanyang husay sa pag-arte bilang isang kontrabida at nakasama sa mga sikat na Korean drama at pelikula gaya ng Man of Vendetta (2010) at The Penthouse: War in Life (2020).

Abangan si Uhm Ki-joon sa Innocent Defendant sa GTV.