
Naging emosyunal si Hidilyn Diaz nang makausap ang taong tumulong sa kanya na maipagpatuloy ang pag-eensayo para sa Olympics noong hindi makaalis siya sa Malaysia dahil sa pandemya.
Sa panayam ni Hidilyn sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nasorpresa ito nang makatanggap ng tawag mula kay Janius Abdullah, deputy president ng Malaysian Weightlifting Federation, na nagbigay sa kanya at sa kanyang grupo ng matutuluyan sa Malaysia sa loob ng 10 buwan.
"I just want to say thank you, Sir, Auntie, for being there," pasasalamat ni Hidilyn sa nagsilbing ama nito sa Malaysia nang makausap sa video call.
"You just offered your place and we just grabbed it. You brought all the equipment and drove to Malacca. It really meant a lot to me," dagdag pa ng gold medallist.
Ipinarating din ni Janius ang paghanga nito kay Hidilyn at papuri sa nakamit nito para sa Pilipinas.
"We treat Hidilyn like our own daughter. This Olympics is our daughter's. We feel like we won the lottery! We're very proud of her. Congratulations also to the Philippines! We are family," pahayag ni Janius.
Noong July 26, gumawa ng kasaysayan si Hidilyn nang masungkit nito ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas para sa Women's 55-kilogram weightlifting sa Tokyo, Japan.
Bago pa man ang karangalang ito, dumaan sa mabibigat na pagsubok si Hidilyn tulad na lamang ng pananatili niya nang matagal sa Malaysia. Ang dapat na 55-day lamang na pag-eensayo sa Malaysia ay naging 10 buwan dahil sa ipinatupad na lockdown doon.
"Wala kaming place to stay. Wala kaming mapagti-trainingan. Kumuha kami ng bamboo stick. Nag-improvise na lang kami. Lagyan ng bottle of water 'yung bag, puwede nang mag-squat, basta makapag-training. Tapos tumatakbo kami sa parking lot," kuwento nito kay Jessica Soho.
Kaya naman umaapaw ang pasasalamat ni Hidilyn para kay Janius sa pagtulong nito sa kanilang grupo na magkaroon ng pansamantalang matutuluyan sa Malaysia.
Samantala, balikan sa gallery na ito ang winning moments ni Hidilyn Diaz sa weightlifting: