
Maganda, makapangyarihan at palaban.
Kilalanin ang bagong karakter na pupukaw sa atensyon ng mga manunood tuwing hapon.
Siya si Altagracia Sandoval, ang maganda at eleganteng negosyante na tinitingala ng publiko.
Alamin ang kuwento sa likod ng kanyang makulay na buhay na balot ng trahedya, tagumpay at misteryo.
Ano kaya ang dahilan sa kanyang bawat pagkilos? Paano hinubog ng nakaraan ang kanyang kasalukuyang pagkatao? Paano niya narating ang tagumpay? Ilan lamang 'yan sa mga katanungan na naghahanap ng kasagutan.
Huwag palampasin ang panibagong Mexican telenovela na magpapaiyak at magpapaibig sa ating lahat simula sa Lunes, August 9, sa GTV.