GMA Logo Carla Abellana and Max Collins
What's Hot

Carla Abellana at Max Collins, tuloy ang shooting kahit masama ang panahon

By Aedrianne Acar
Published August 3, 2021 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana and Max Collins


Nakahahanga ang professionalism ng 'To Have And To Hold' actresses na sina Carla Abellana at Max Collins sa kanilang lock-in taping na tuloy ang shooting kahit malakas ang pag-ulan.

Sa kabila ng masamang panahon na kanilang nararanasan sa second lock-in taping para sa primetime series na To Have And To Hold (THATH), tuloy lang sa pagta-trabaho ang multi-talented actresses ng show na sina Carla Abellana at Max Collins.

Nitong mga nagdaang linggo ay nakaranas ng matinding pag-ulan ang bansa dulot ng Southwest monsoon o Habagat.

Kasalukuyang nasa Bataan ang buong team ng THATH para sa kanilang second lock-in taping.

Sa Instagram Story ni Carla, ibinahagi niya na sabak pa rin sila sa taping nina Max at Ina Feleo, kahit matindi ang ulan.

Ani Carla, “One of the toughest and most challenging conditions I've ever had to work in.

“It rains HARD in Bataan. EVERY. SINGLE. DAY.”

Heto ang pasilip sa lock-in taping ng bagong series na To Have And To Hold sa gallery below.

Related content:

Carla Abellana returns to lock-in taping for 'To Have And To Hold'