
Ibinahagi ni Kiray Celis sa Stories of Hope na third party ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya sa una niyang nobyo.
Gayundin, inamin ng aktres na nasuntok niya ang dating nobyo nang tanungin nito kung bakit siya niloko.
"Ang hindi ko pinaka nakakalimutan na narinig ko, sabi ko 'Bakit mo ako niloko?' Ang sagot niya 'Kasi deserve mo.' Hindi ko po napigilan ang sarili ko, nasuntok ko. Nasuntok ko talaga. Tapos nagulat 'yung mga tao kasi ang lakas," kuwento ni Kiray.
Dagdag pa nito, "'Pag maling tao talaga, mararamdaman mo kaagad. Kasi kapag may nagtatanong sa akin noon dati na 'Nakikita mo siya sa future mo? Kailan kasal n'yo? Kailan kayo magkakaanak? Anong plano n'yo? Sobrang toxic kasi laging lahat negative 'yung naririnig ko."
Sa karanasang ito, natutunan daw ni Kiray na magiging negatibo ang isang tao kapag kasama ang isa pang negatibong tao.
"I'm a different person. Kasi iniba ako ng taong iyon. Iniba niya ako simula sa pananamit, simula sa ugali. Sobrang jologs ko po kasi, siyempre pinalaki ako ng parents ko na huwag masyadong maarte. Kahit nga sa floor puwede akong mag-Indian sit, 'yung rubber shoes lang. Siya, kailangan lagi akong feminine, kailangan laging posh," pagbabahagi ng aktres.
Sa pagsasama raw nila ng dating nobyo, malaking pagbabago ang nakita ng aktres sa kanyang sarili. Maging ang kanyang mga magulang ay nagawa niyang suwayin.
"Iniba niya talaga ako. Kahit 'yung ugali ko iniba niya ako, iniba niya ako as a person talaga, buong buo. Inside and out iniba niya ako. Alam ng mga kaibigan ko na 'Iba na, iba ka na.' Kasi literal sobrang samang anak, sabi ko talaga naging masamang anak ako noong panahon na napunta ako sa maling tao," kuwento ng aktres.
Ngayon, sinabi ni Kiray na nanumbalik na ang dating siya nang makilala ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia, na naging daan para maka-move on sa nakaraang relasyon.
Matapos ang dalawang buwan ng kauna-unahang heartbreak, natagpuan ni Kiray ang tunay na pag-ibig kay Stephan.
"Totoo pala 'yung nasa tabi mo lang, hindi mo pinapansin, 'yun pala 'yung tamang tao para sa 'yo. Noong naging kami, ilang araw pa lang, burado na po 'yung tatlong taon sa maling tao," sabi ni Kiray.
"I'm Kiray now, ako na siya. Bumalik na ako, ako na ulit. 'Yung saya ko, 'yung happiness ko. Actually ang dami ko ngang natutunan, ilang beses kong sasabihin sa inyo, ang dami kong natutunan sa maling relasyon. Kaya thankful din po ako, Kasi hindi mo naman makikilala 'yung tama kung hindi ka rin nagkamali," pagbabahagi ng aktres.
Panoorin ang Stories of Hope video sa ibaba:
Samantala, kilalanin ang kasalukuyang boyfriend ni Kiray na si Stephan sa gallery sa ibaba: