
Kakaiba ang istorya ng bagong Wish Ko Lang sa Sabado, August 7, na may titulong 'Three Nanays and a Baby,' na pagbibidahan nina Edgar Allan Guzman, Kaloy Tingcungco, at Ashley Oretga.
Gagampanan nina Edgar Allan at Kaloy sina Elison at Andre na mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Si Aika, na gagampanan ni Ashley, ang magiging tulay sa pagmamahal nina Elison at Andre pero mukhang siya rin ang sisira dito.
Sa interview ni Lhar Santiago sa 24 Oras, sinabi ni Kaloy na maraming matututunan ang mga manonood sa kanilang episode sa Sabado.
Saad niya, "Ipapakita dito sa istorya kung paano niya ija-juggle 'yung friendship, life, love, at saka 'yung personal life niya."
Mapapanood din sa episode na ito sina Lucho Ayala, Maricar de Mesa at Mel Kimura.
Huwag palalampasin ang 'Three Nanays and a Baby' sa bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Samantala, mas kilalanin pa si Kaloy sa gallery na ito: