GMA Logo Jennylyn Mercado, Zack Tabudlo, Dennis Trillo
What's Hot

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, naka-jamming si Zack Tabudlo sa 'CoLove'

By Aimee Anoc
Published August 9, 2021 8:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado, Zack Tabudlo, Dennis Trillo


Jennylyn Mercado on Zack Tabudlo: "Mapapahanga talaga kayo sa kanya. Malayo mararating ni Zack sa industriya."

Naka-'CoLove' jamming nina Jennylyn Mercado at Legal Wives actor Dennis Trillo sa awiting "Hindi Ko Kaya" ang iniidolo nilang singer na si Zack Tabudlo.

Ibinahagi nina Jennylyn at Dennis na tagahanga sila ng "Binibini" singer na si Zack.

Isang post na ibinahagi ni Jen Mercado (@mercadojenny)

"First time namin marinig ang songs ni Zack ay talaga namang instant fan na kami ni Dennis!" pagbabahagi ni Jennylyn.

"Kaya sobrang saya namin na napaunlakan niya ang invite namin para maka-jam s'ya sa isang espesyal na CoLove episode," dagdag pa nito.

Ayon pa kay Jennylyn, talaga namang napapahanga siya ni Zack lalo na kapag kumakanta ng live.

"Sobrang talented lalo na 'pag narinig niyo siya kumanta nang live. Napaka-powerful ng boses niya, super effortless at ang passionate n'ya sa craft n'ya," kuwento ng aktres.

"Mapapahanga talaga kayo sa kanya. Malayo mararating ni Zack sa industriya, sure kami d'yan. Can't wait to hear 'yung iba pang songs na isusulat at pasisikatin n'ya," sabi pa ni Jennylyn.

Pagtatapos nito, "We are proud of you anak! By the way thanks din pala kay Bessie Jay Casupanan for playing the keyboard!"

Matapos ang kantahan nila sa CoLove, biniro ni Zack sina Jennylyn at Dennis na para na raw niya itong mga magulang.

Sinimulan nina Jennylyn at Dennis ang 'CoLove' channel noong June 2019

Samantala, tignan sa gallery na ito ang mga litrato ng modern family nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo: