GMA Logo Kris Aquino
What's Hot

Kris Aquino posts birthday greeting for mysterious man: "Thank you for coming into my life"

By Aimee Anoc
Published August 11, 2021 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino


"I thought long and hard whether to upload this, because I know what kind of speculation I'll be starting... BUT he really did come when my grief was unbearable." - Kris Aquino

Inamin ni Kris Aquino na mayroon nang espesyal na lalaki sa kanyang buhay, pero hindi niya ito pinangalanan.

Noong August 11, ibinahagi ni Kris sa Instagram ang kanyang pagbati para sa kaarawan ng misteryosong taong ito.

"Thank you for coming into my life... Happy Birthday!" ang nakalagay sa naturang post.

Ayon pa sa Queen of All Media, "deserving" ang taong ito na mabigyan ng isang pagbati kahit na magdulot pa ng espekulasyon ang post niyang ito.

Hindi pinangalanan ni Kris ang espesyal na lalaking ito ngunit ibinahagi niya kung paano nito dinamayan ang TV host-actress sa mga pinagdaanan nito. Dagdag pa niya na nakuha nito ang loob ng kanyang anak na si Bimby.

"I thought long and hard whether to upload this, because I know what kind of speculation I'll be starting... BUT he really did come when my grief was unbearable," caption nito."He continues to give me unselfish support & comfort; he's been around for all my ups and downs, health woes, and tears- plus Bimb likes him," pagpapatuloy niya.

"Most of all he makes me feel taken care of, secure, and SAFE. So he is deserving of this birthday greeting that all of you are now seeing (care bears na kung anong iisipin ninyo) BECAUSE for me he is #special," pagtatapos ni Kris na may kasamang yellow heart emoji.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Agad namang umani ng reaksiyon ang post na ito ni Kris na mayroon na ngayong mahigit 37,800 likes at 1,350 comments.

"Sa pagka-chismosa ko, napa-Google ako kung sinong celebrities ang may birthday ng August 11. May newscaster, may politician, may basketball player. Wala akong idea kung sino pero Happy Birthday sa kanya," pagbabahagi ni @noringai na may kasamang yellow heart emoji.

"Omg madam I can't think of someone na pinapatungkulan [n'yo] nitooo! Pero whoever he is, he's so lucky! If he makes you happy, then mas masaya po kami kasi ayun naman po ang matagal na namin pinagdarasal kay Lord para sa inyo and of course your good health also! So much love and kilig bago matulog! Sana siya na si #theone haha chosss," pagbati ni @mlrzvk.

"Awww I am happy for u Krissy (care bears na nga kung ano ang isipin nila) basta #lovelovelove na lang," dagdag pa ni @marcelav748.

Marami ang nagtanong kay Kris kung sino ang taong tinutukoy nito.

Nagbigay rin ang ilan ng mga pangalan ng mga sikat na personalidad na naugnay kay Kris tulad na lamang ng politikong si Mark Leviste at ang Wowowin host na si Willie Revillame.

Samantala, balikan sa gallery na ito ang throwback photos ni Kris Aquino: