GMA Logo makulay ang buhay
What's Hot

'Makulay ang Buhay,' muling magpapasaya simula August 21

By Jansen Ramos
Published August 12, 2021 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

makulay ang buhay


Muling samahan sina 'Mom C' Camille Prats, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure sa TV comeback ng 'Makulay ang Buhay,' ngayong August 21 sa GMA.

#TeamBahay mommies and kids, muling makakasama ang mga paborito n'yong kaibigan every Saturday and Tuesday mornings!

Maki-bonding kay 'Mom C' Camille Prats kasama ang kanyang dalawang puppets na si Benjie, isang nine-year-old grade-schooler, at ang cute na cute na dog best friend nitong si Penpen, sa nagbabalik-telebisyong edu-tainment program ng GMA Public Affairs na Makulay ang Buhay.

Tara na at maki-awit at maki-sayaw sa kanilang fun music videos, makinig sa kanilang mga nakakaaliw na kwento, makisaya sa iba't ibang games, at matuto ng arts and crafts at nutri-sarap cooking once more habang safe na nasa loob ng inyong mga tahanan.

Maliban pa riyan, muling mapapanood sa Makulay ang Buhay ang impact ng gadgets, food safety at foodborne diseases, pagpapatibay ng resistensya, pagkawala ng ganang kumain at ang growth gap years, mga gulay mula sa bakuran o sustainable food sourcing, kakulangan sa iron, at kalusugan ng buto at mga nutrinang makakatulong sa pagtangkad.

Siyempre, hindi mawawala sa kwentuhan ang sustansyang dulot ng local veggies gaya ng kangkong at sitaw, at kahalagahan ng pagkain ng almusal.

Ready na ba kayo sa fun-filled adventure ng Makulay ang Buhay? Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen every Saturday, 9:45 a.m., at every Tuesday, 8:00 a.m., simula August 21 sa GMA.

Kita-kits, mga Kapuso!