
Ibinahagi ni Primetime Queen Marian Rivera ang regalong natanggap mula sa kanyang best friend na si Norman "Boobay" Balbuena.
Ngayong araw (August 12), ipinagdiriwang ni Marian ang kanyang 37th birthday. Marami na rin ang nagpaabot ng pagbati at nagpadala ng regalo sa aktres at isa na rito si Boobay.
Pinadalhan ni Boobay ang aktres ng chocolates na may nakalagay na "Happy Birthday My Loves!"
Pinasalamatan naman ito ni Marian, "Salamat my loves Boobay!"
Binati rin ng komedyante sa Instagram ang kaibigan at ipinaabot ang pagmamahal nito.
"My loves Marian Rivera, maligayang kaarawan sa iyo!!! Pagpalain ka pa at iyong minamahal na pamilya ng Poong Maykapal. Maraming salamat sa lahat, habang buhay ko ipagpapasalamat ang ating pagkakaibigan, mahal na mahal kita. Happy happy birthday My Loves," sulat ni Boobay na may kasamang heart emojis.
Unang nagkasama sina Marian at Boobay sa GMA variety show na Extra Challenge kung saan host noon ang aktres kasama si Richard Gutierrez.
Mas naging malapit sa isa't isa ang dalawa sa paglipas ng mga taon, hanggang sa muling nagkasama sa talk show ni Marian na Yan Ang Morning.
Naging tawagan na rin nina Marian at Boobay sa isa't isa ang “my labs.”
Sobrang laki ng pagmamahal ni Boobay para sa aktres lalo na nang makaranas ito ng stroke noong November 2016 kung saan isa si Marian sa mga tumulong sa kanya.
Samantala, tignan sa gallery na ito ang matatalik na kaibigan ni Endless Love star Marian Rivera: