GMA Logo Bea Alonzo and Alden Richards
What's Hot

Alden Richards, excited na sa pelikulang pagsasamahan nila ni Bea Alonzo

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 17, 2021 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo and Alden Richards


Ngayong nakauwi na ng bansa si Bea Alonzo, matutuloy na ba ang pelikula nila ni Alden Richards?

Hindi maitago ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang kanyang excitement nang malamang nakauwi na sa Pilipinas si Bea Alonzo, ang kanyang makakapareha sa Philippine adaptation ng Japanese series na Pure Soul, ang seryeng pinagbasehan ng hit South Korean movie na A Moment To Remember.

Kuwento ni Alden sa 24 Oras, pagkatapos nilang mag-taping sa The World Between Us ay haharapin na niya ang shooting ng kanilang pelikula ni Bea.

Saad niya, "Sa ngayon, after the soap, tuloy na tuloy pa rin 'yung pelikula namin ni Bea. Ngayon ngang nakauwi na siya, I'm very excited also."

"Kasi medyo na-delay, kasi nga ang daming nangyari, one big factor is the pandemic, 'yung mga protocols, 'yung quarantine, 'yung ECQ, et cetera.

"Si Bea din may ginagawa rin siyang commitment before the movie as well [kaya] nag teleserye muna ako while we're waiting.

"So 'yun nga, nagbigay po si movie and then 'yun na po 'yung gagawin ko right after 'The World Between Us.'"

Ipo-produce ng Viva Films, GMA Pictures, at APT Entertainment ang pelikula nina Alden at Bea.

Balikan ang naging contract signing sa pagitan ng tatlong production company DITO: