GMA Logo rain matienzo
What's Hot

Rain Matienzo, muling nabuhay ang pangarap makasali sa Miss Universe PH

By EJ Chua
Published August 18, 2021 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

rain matienzo


Muntik na raw kalimutan ni Rain Matienzo ang pangarap niyang makasali sa isang beauty pageant. Alamin kung paano nabago ang kanyang isip:

Noon pa man ay pangarap na ni Rain Matienzo, a.k.a. TikTok's Conyo Girl, ang sumali sa beauty pageant.

Sa katunayan, plano raw sana niyang sumali sa Miss Universe Philippines 2021 ngunit hindi ito natuloy.

Sabi ng rising Kapuso star, "Honestly, I think right now, since katatapos ko lang ng school super fresh pa.

"Tinitingnan ko how the current pageant will go.

"Kasi, it's the first time nila ifa-factor in 'yung height. I just want to see how people my height will fair in the pageant and maybe assess from there.

"But as for actual and physical preparation, wala pa. I'm just feeling it out.

"But also preparing myself emotionally and mentally. Because, of course, that's like, I'm making it a concrete tool narin talaga."

Kung sakali itutuloy niya ang pangarap na ito, sabi ni Rain, binibigyan niya ang sarili ng deadline hanggang 2025.

Excited ring nag-kwento si Rain tungkol sa kanyang timeline at ilang plano sa pagtupad ng kanyang pangarap sa mundo ng pageantry.

“I think by 2025... But, I'm just giving myself a deadline para I can start preparing.

"Kasi, even some of my friends are like, 'Bakit hindi ka sumali this year? Or dapat next year sumali ka na.'

"Pati 'yung followers ko, 'Abangan kita ha!'

"Medyo nase-stress ako. Gusto ko munang mag-prepare para kapag sasali ako, I will put up a fight,” dagdag pa ni Rain.

Courtesy: rainmatienzo (IG)

Ayon kay Rain, bata pa lang siya ay marami nang sumusuporta sa pangarap niyang sumali sa beauty pageants.

Ngunit, dahil raw sa kanyang height, dumating sa puntong gusto na niyang i-let go ang pangarap na makasali sa malalaking pageants.

Kwento niya, "I think when I was younger since 'yung mommy ko, mga lola ko, stage moms talaga sila.

"So, lagi nilang sinasabi, mag-artista ka mag-pageant ka.

"Akala nila tatangkad ako ng mga 5'7, 5'6, maliit pa rin 'yon, di ba? Pero, this is me, 5'1.

"There was a point in my life that I wanted to join but, I had to let go of that dream kasi nga hindi ako makakapasok dahil sa height ko.

"I stopped growing, I stopped growing tall.

"Ngayong nakita ko na tinanggal na nila 'yung height requirement parang I just want to see if I will have a shot in getting that crown."

Samantala, masayang ikinuwento ni Rain kung sino nga ba ang bet niyang manalo sa kasalukuyang Miss Universe Philippines 2021 pageant.

“I have two bets, ang first bet ko, of course, ay si Ayn [Bernos], because I just love how she wants to define the beauty standard.

"And, she has been told na she's not the beauty standard and that's exactly why she joined.

"Like, she's not super tall… For me she is beautiful.

"Having her stormed through all those criticisms still with her head held high.

"I just applaud her so much for that.

"And coming into it, I know that she's so genuine about her thoughts with regards to colorism.

"So, I wanted to see how she champions that in the pageant."

Bukod kay Ayn, suportado rin ni Rain si Katrina Dimaranan, "I like her kasi I watched her… Pinanuod ko siya sa Love Island, it's a dating show.

"Parang sabi ko, 'Oh my gosh, kilala ko 'to, so may ganung factor, little fan girl lang. Pero, ang ganda niya."

Courtesy: aynbernos (IG)

Courtesy: katrina_dimaranan (IG)

Hindi lang beauty ang ipanlalaban ni Rain Matienzo kung sakaling matuloy ang pagsali niya sa beauty pageants dahil may angkin din siyang talino.

Nakatapos sa pag-aaral si Rain bilang cum laude sa UP Diliman sa kursong Bachelor of Arts in Broadcast Communication.

Kilalanin pa si Rain sa gallery na ito: