GMA Logo Mahal and Mura
What's Hot

Mahal, may pangakong munting tulong para sa dating katambal na si Mura

By Aimee Anoc
Published August 23, 2021 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Mahal and Mura


Tinupad ni Mahal ang kahilingan ni Mura na muli silang magkita.

Kapwa naging emosyunal sina Mahal at Mura nang muling makita ang isa't isa.

Malayo man ang bahay ng dating katambal, hindi ito naging hadlang kay Noemi "Mahal" Tesorero para muling makasama si Allan "Mura" Padua.

Noong August 8, inaya ni Mahal ang kaibigang si Mygz Molino para samahan siya sa Guinobatan, Albay kung saan kasalukuyang naninirahan si Mura at ang pamilya nito.

"Hindi niya in-expect na surprise sa kanya. Hindi ko po na-expect na siya ang susundo sa amin," pagbabahagi ni Mahal sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nasorpresa rin si Mura nang muling makita ang nawalay na katambal dahil ang akala nito ay si Mygz lamang ang bibisita sa kanya.

Bago pa man tuluyang makarating sa bahay ni Mura, kinailangan munang maglakad ng mahigit isang oras nina Mygz at Mahal, gayundin ang tumawid sa makitid na tulay at maglakad sa putikan.

Bukod sa sorpresang pagbisita, binigyan din ng tulong pinansyal at kabuhayan nina Mahal at Mygz si Mura.

"Tuwang tuwa kasi binigyan ako ng pambili ng baboy," sabi ni Mura.

"Hanggang sa tumanda ako o uugod-ugod, siyempre pupunta pa rin ako rito. Para kapag may raket iaalok kita, okay! Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayroon akong kaunting naitulong sa 'yo," emosyunal na pangako ni Mahal para kay Mura.

Kapwa naluha sina Mahal at Mura nang yakapin ang isa't isa matapos ang pangakong muling pagkikita.

Pagbabahagi ni Mahal sa KMJS, "Sabi ko, Mura huwag ka na mag-ganyan [umiyak]. Parang naawa lang ako kasi hindi ko expect 'yung wala kang trabaho. 'Yung pagte-therapy mo, hangga't nag-uugod-ugod, ipapa-therapy kita."

"Kay Mahal, nagpapasalamat ako sa kanya dahil narating n'ya itong bahay ko, malayo. Tulad ko tinulungan din niya, marami pa siyang matutulungan," pasasalamat ni Mura.

Ibinahagi rin ni Mura ang pag-aasam nito na muling makapasok sa showbiz.

Mas lalong nahirapang makabalik sa showbiz si Mura nang maaksidente sa sinasakyang tricycle noong 2010 at nahirapan nang maglakad.

"Malungkot kasi parang gusto kong pumasok ulit [sa showbiz] pero hindi ko na kaya kasi nga mahina na 'yung paa ko. Gustong-gusto ko pa talagang makapasok sa showbiz kasi gusto ko pang makatulong sa pamilya ko. Ipapaayos ko bahay ko, sira-sira na kasi," emosyunal na pagbabahagi ni Mura.

Panoorin ang muling pagkikita nina Mahal at Mura sa interview ng KMJS.

Samantala, balikan ang ilang trending stories sa KMJS noong 2020 sa gallery na ito: