GMA Logo Julie Anne San Jose
What's Hot

Julie Anne San Jose: 'There was a point in my life na I felt demotivated.'

By Bong Godinez
Published August 27, 2021 7:14 PM PHT
Updated August 28, 2021 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line, amihan to bring cloudy skies, rains over parts of Luzon
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


The talented Kapuso singer-actress opened up about mental health and her realizations along the way.

Trailer pa lang ay punung-puno na agad ng feels ang Limitless, A Musical Trilogy ni Kapuso star Julie Anne San Jose.

Marami ang namangha sa settings ng mga eksena na kinunan pa sa Mindanao.

Makikita rin sa trailer na nakikisalamuha si Julie Anne sa mga residente ng iba't ibang lugar na kaniyang binisita.

Tila marami naman ang naintriga sa mga emosyonal na salita na binitawan ni Julie Anne sa trailer, na unang ipinalabas noong nakaraang Biyernes, August 20.

“There was a phase in my life na parang ayoko na. Na-realize ko na kailangan ko 'to. Ako naman. Ako naman,” sambit ni Julie Anne habang nakikipagkuwentuhan sa isang eksena.

Sa dulo naman ng trailer ay maririnig ang mga salitang, “Ang tagal ko 'tong kinimkim.”

Tanong tuloy ng fans ni Julie Anne: May pinagdadaanan ba ngayon ang singer-actress?

Aminado si Julie Anne na nakaramdam siya ng mental at emotional fatigue sa gitna ng pandemya na nagsimula noong nakaraang taon.

“There was a point in my life na parang I felt demotivated, na parang hindi ko alam kung anong gagawin ko, I didn't know kung saan ako pupunta,” pagtatapat ni Julie Anne nang humarap ito sa media kamakailan.

“Madaming mga changes, madaming mga nawala, madaming nawalan. 'Yong pandemic hindi lang sa physical aspect ka maaapektuhan [kundi] pati 'yong mental, emotional health.”

Sa kabila nito ay lubos pa rin ang pasasalamat ni Julie Anne dahil nagkaroon din siya ng mas maraming panahon para makasama ang pamilya.

“Kasi before, lalabas ako, gigising ako nang maaga; 'tapos pag-uwi ko, sa bahay tulog na sila. So ngayon, mas nagkaroon ako ng time with them.”

Time to breathe

Blessing din para kay Julie Anne na gawin ang Limitless dahil naging daan ito para unti-unting manumbalik ang gana ng magaling na singer-actress sa buhay at career.

Malaking tulong sa mental health ni Julie Anne ang magpakalayo kahit sandali at bumisita sa iba't ibang parte ng bansa katulad ng Mindanao.

“Feeling ko kailangan ko talaga 'to. Kasi before, sobrang preoccupied ako with a lot of things.

“Parang nakaka-travel ako for work pero hindi talaga ako nakakalibot or whenever I go to places palaging may commitment, palaging my agenda.

“Like, kailangan gawin ko 'to, ganito, ganyan. Then, kinabukasan, babalik na ko ng Manila,” kuwento ni Julie Anne sa kanyang pre-pandemic routine.

Nagkaroon daw ng realization si Julie Anne na marahil ay panahon na para bigyan niya rin ng oras ang sarili.

“So, marami akong things na inaasikaso before and naisip ko na wala pala talaga kong time for myself,” seryosong pahayag ni Julie Anne.

“That's why I said yes to this project kasi I feel like I need to cope up, to breathe. Makahinga man lang.”

Dagdag pa niya, “First time ko din, actually, na makita 'yong sarili ko na ganito, 'yong walang iniitindi tapos ini-enjoy mo lang 'yong mga napupuntahan mo, ini-enjoy mo 'yong mga taong nakakasama mo.”

Pakiramdam daw ni Julie Anne at ng buong Limitless team ay nakahinga sila nang maluwag matapos ang ilang buwan.

“I felt that we needed that and everyone needed that. 'Yong buong tea namin sobrang happy.

“Oo, nakakita rin kami ng trees, nakakita rin kami ng bundok, finally. It was a wonderful trip. It's also my first time to visit these places and I can say na worth it 'tong journey na 'to.”

Ang part one ng Limitless, A Musical Trilogy na pinamagatang “Breathe” ay mapapanood online simula sa September 17.

Bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy para makabili ng tickets.

Click HERE para malaman ang step-by-step process sa pagbili ng tickets para sa kapanapanabik na musical event na ito.

Ang VIP ticket buyers ay makakakuha rin ng official Limitless merchandise shirts.

Sundan ang www.facebook.com/GMASynergy para sa iba pang detalye. Para sa iba pang updates, bisitahin ang www.GMAnetwork.com.

Panoorin ang full trailer ng part one ng Limitless, A Musical Trilogy dito:

Samantala, tingnan ang mga nakakaaliw na Limitess-inspired memes sa gallery na ito.