What's Hot

Xian Lim, excited na sa kanyang first project sa GMA

By Bianca Geli
Published August 30, 2021 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

xian lim


Excited na si Xian Lim makasama ang isa sa mga hinahangaan niyang aktres na si Jennylyn Mercado.

Matapos maging ganap na Kapuso si Xian Lim, naghahanda na ang aktor sa unang proyekto niya sa GMA Network, ang Love, Die, Repeat.

Makakatambal ni Xian sa naturang proyekto ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, kasama sina Kim Domingo at Mike Tan.

Sa panayam ng GMA News, ibinahagi ni Xian ang tuwa niya sa pagiging Kapuso.

Aniya, "I feel very happy and excited being here. I'm really grateful sa lahat ng nangyayari."

Nagkuwento rin si Xian tungkol sa naganap na story conference para sa kanilang proyekto, kung saan nakilala niya na ang iba pang mga kasama sa upcoming show.

"Kakaiba 'yung kwento... in terms of my character, para sa mga Kapuso natin, I would say that it's something different na maibibigay ko.

Hindi pa raw nakatrabaho ni Xian si Jennylyn, pero hanga ito sa aktres kahit noon pa man.

"Even before pa, I've watched her film with John Lloyd and I instantly became a fan.

"Aside from magaling siya, nakikita kong she's very passionate."

Inaasahan din ni Xian na magiging mabuti ang samahan nila ng buong cast at crew.

"Ramdam na ramdam ko 'yung positive vibes from the team. Nakakatuwa lang kasi alam kong magiging masaya 'yung samahan."

Bukod sa drama, nais din daw ni Xian na magbalik sa hosting na isa rin sa mga hilig niyang klase ng proyekto.

"Hosting pageants and game shows are very close to my heart."

Samantala, tingnan ang pogi pictures ni Xian Lim dito: