GMA Logo xian lim and marian rivera
What's Hot

Xiam Lim reveals he wants to work with Marian Rivera

By Jansen Ramos
Published August 31, 2021 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

More than 100k Nazareno devotees attended Misa Mayor – Manila PIO
All-out search for missing workers in landslide at Cebu landfill
LRT-2 to allow barefoot devotees during Traslacion 2026

Article Inside Page


Showbiz News

xian lim and marian rivera


Aside from working with Marian, Xian Lim also expressed his desire to work again with Bea Alonzo, whom he previously co-starred in a TV series in the rival station, but this time in GMA.

Noong July ay napanood si Xian Lim sa isang TV special ng isang e-commerce platform na ipinalabas sa GMA.

Dito ay nakasama niya ang ilang Kapuso stars gaya nina Willie Revillame, Lani Misalucha, Kate Valdez, Gil Cuerva, Juancho Triviño, Jillian Ward, Sofia Pablo, at Althea Ablan.

Sandali lang nakasama ni Xian ang mga nabangggit na mga artista ng GMA in one stage pero, ngayon, mas matagal na siyang mapapanood sa GMA dahil sa seryeng Love. Die. Repeat na pagtatambalan nila ni Jennylyn Mercado.

Sa upcoming series, makakasama niya sina Gardo Versoza, Mike Tan, Myrtle Sarrosa, Samantha Lopez, Valerie Concepcion, Victor Anastacio, at Lui Manansala.

Ayon kay Xian, gusto pa niyang makilala at makatrabaho ang iba pang GMA artists ngayong nakatungtong na siya sa Kapuso Network at numero uno sa kanyang listahan ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Pahayag ni Xian sa panayam ng GMANetwork.com, "With Ms. Marian po kasi, she's very passionate and 'yung mga ginagawa n'yang proyekto, there's always something different. I would say it's very intense."

Maliban kay Marian, nais din niyang makasama sa proyekto ang big stars ng GMA na sina Dingdong Dantes, Maine Mendoza, at Rocco Nacino, gayundin din sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na katrabaho na niya dati sa pelikula.

Patuloy ni Xian, "Aside from Ms. Marian, siyempre, si brother Dingdong Dantes isa sa mga gusto ko ring makatrabaho. Aside from being a biker, bata pa lang ako iniidolo ko na s'ya.

"Of course, si Maine Mendoza, definitely, nakakatuwa kasi iba't iba po kasi 'yung mga genre na ginagawa nila so sila Ms. Carla Abellana, si Tom Rodriguez din, we used to work together way back and sina Rocco Nacino who is a good friend of mine and my neighbor.

"Sana makatrabaho ko rin po sila. They seem like people na parang 'pag nakita mo, magiging kaibigan mo sila."

Nais din daw muling makatrabaho ni Xian ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo ngayong nasa parehong istasyon sila. Nagkasama ang dalawa sa isang TV series sa kabilang istasyon kung saan may special participation si Xian.

"I hope I get a chance to work with Ms. Bea. Nagkatrabaho kami before sa A Love To Last and sana masundan, very short lang po 'yung time namin do'n.

Dugtong pa ni Xian, "Also si Heart Evangelista, sila Lovi Poe, marami. Sana mabigyan po ako ng chance to work with them."