
Pumanaw na ang komedyanteng si Mahal ngayong araw, August 31.
Ang nakalulungkot na balita ay kinumpirma ng kapatid ni Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay, sa isang Facebook post.
Ayon kay Irene Tesorero, "Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pang schedule sa kanyang burol due to COVID restriction.
Kamakailan lang ay naging laman ng balita si Mahal dahil sa pagbisita niya sa dating ka-love team na si Mura, o Allan Padua sa tunay na buhay, sa probinsiya nito sa Guinubatan, Albay.
Kasama ng 46-year-old na comedy actress na bumiyahe noon ang nali-link sa kanya na si Mygz Molino.
Huling napanood si Mahal sa romantic-comedy na Owe My Love sa GMA Telebabad.
Samantala, narito ang ilang pang mga kilalang komedyanteng pumanaw na: