GMA Logo The Penthouse Season 2
What's Hot

The Penthouse Season 2: Ang pagbabalik ni Cindy sa buhay ni Scarlet | Week 1

By Dianne Mariano
Published September 6, 2021 10:47 AM PHT
Updated September 6, 2021 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire hits residential area in Caloocan City
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

The Penthouse Season 2


Ngayong nagbalik na muli si Cindy, magsisimula nang mag-iba ang mundo ni Scarlet.

Sa unang linggo ng The Penthouse Season 2, muling nagkasama at bumigay sa tukso si Scarlet (Kim So-yeon) at ang dating niyang karelasyon na si Anton Ha (Yoon Jong-hoon) matapos ang isang pagdiriwang sa New York.

Pagbalik nito mula sa New York, nakatanggap si Scarlet ng isang regalo at labis ang takot nito nang makita na ito'y naglalaman ng kanyang picture frame na mayroong dugo. Hinala niya na ito'y kagagawan ni Cindy (Eugene).

Bilang paghihiganti kina Scarlet at Dante (Uhm Ki-joon), muling nagbabalik si Cindy sa kanilang buhay at sinimulan ito sa pamamagitan ng pagsuko sa awtoridad.

Isang sorpresa naman ang handog nina Cindy at Anton nang daanan nila ang kasal nina Dante at Scarlet. Labis ang pagkagulat ng mga ito nang malaman na mag-asawa sina Cindy at Anton.

Nalaman nina Scarlet at Dante na bumalik na si Cindy sa Hera Palace at nakatira ito kasama si Anton sa Unit 4502.

Nang dahil sa kondisyon ng boses ni Scarlet, naghanap ito ng puwedeng kapalit para sa kanyang concert at nahanap ang babaeng nagngangalang Rachelle Park.

Sa naganap na concert ni Scarlet para sa kanyang anibersayo bilang isang singer, lingid sa kanyang kaalaman na si Cindy pala ang umaawit sa likod ng stage.

Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Cindy na nagsisimula pa lamang siya sa kanyang mga plano.

Matapos ito, dinalaw ni Cindy ang puntod ni Simone at sinabing gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang lumabas ang katotohanan at pagbabayaran din nito ang mga nagawa niya.

Sa naganap na autograph signing ni Scarlet, dumalo si Cindy at ipinakita sa mang-aawit ang non-disclosure agreement na binigay nito kay Rachelle Park.

Sa gitna ng Q&A, tinanong din ni Cindy kung maari bang awitin ni Scarlet ng live ang kanta sa naganap nitong concert ngunit tumanggi ito at sinabing hindi maganda ang kondisyon ng kanyang boses.

Patuloy na subaybayan ang The Penthouse Season 2 mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng Endless Love.

The Penthouse 2: The queen of cheating and crime | Episode 1

The Penthouse 2: Welcome back, Scarlet! | Episode 1

The Penthouse 2: Cindy is back! | Episode 2

The Penthouse 2: Cindy and Scarlet's reunion | Episode 2

The Penthouse 2: The woman behind the golden voice | Episode 4

The Penthouse 2: The nightmare in Hera Palace | Episode 4

The Penthouse 2: Magsisimula nang maghiganti si Cindy | Teaser