GMA Logo Elijah Alejo, Althea Ablan, Will Ashley
What's Hot

Althea Ablan, Elijah Alejo, at Will Ashley, naghahanda na para sa 'Prima Donnas Season 2'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 8, 2021 1:03 PM PHT
Updated September 8, 2021 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo, Althea Ablan, Will Ashley


"Tingnan po natin kung mamahalin pa rin po natin si Brianna," patikim ni Elijah sa mangyayari sa kanyang karakter sa season 2 ng 'Prima Donnas.'

May patikim ang mga bida ng Prima Donnas na sina Althea Ablan, Elijah Alejo, at Will Ashley kung anu-ano ang mangyayari sa kanilang mga karakter sa ikalawang season ng programa.

Ayon kay Althea, ang gumaganap na Donna Belle, dapat abangan ng mga tao kung ano ang magiging reaksyon niya sa pagbabalik ni Sofia Pablo, ang gumaganap na Donna Lyn.

"Dahil sa excitement po, nakapag-impake na ako ng mga gamit ko, at nakapaghanda na ako ng mga baon ko," saad ni Althea sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

"And siyempre mentally, my character as Donna Belle, kailangan ko siyang ihanda lalo na magbabalik si Sofia. Ano ang magpi-feel ko noon?"

Saad naman ni Elijah, kaabang-abang sa mga manonood kung anong mangyayari sa karakter niyang si Brianna.

Aniya, "Tingnan po natin kung mamahalin pa rin po natin si Brianna or gusto na naman natin sabunutan. Makikita po natin 'yan."

Para naman kay Will, mas excited siyang magsimula ng taping dahil magkakasama na muli sila makalipas ang mahigit isang taon.

Pahayag niya, "Sobrang excited po ako at masaya...Magkakaroon na po ng bagong memories together, ng bond, ng kwentuhan."

Bago ang Prima Donnas, mapapanood muna sina Althea, Elijah, at Will sa episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 11, 4pm.