GMA Logo Paolo Contis admits mistakes
What's Hot

Paolo Contis breaks silence, admits mistakes: "I'm sincerely sorry, I'm truly ashamed of my actions"

By Bong Godinez
Published September 8, 2021 7:30 PM PHT
Updated September 8, 2021 8:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis admits mistakes


In a lengthy Instagram post, Paolo Contis owns up to his mistakes and says sorry for the heartaches he caused LJ Reyes. He also spoke about the rumors about drug use, and yes, Yen Santos. Read it HERE:

Binasag na ni Paolo Contis ang kanyang katahimakan kaugnay sa paghihiwalay nila ng longtime girlfriend na si LJ Reyes.

Matatandaang umani si Paolo ng batikos sa publiko matapos magpa-interview si LJ sa veteran talk show host na si Boy Abunda.

Dito ay inamin ni LJ na hiwalay na nga sila ni Paolo ngunit tumanggi itong magbigay ng dahilan kung bakit natapos ang kanilang pagsasama.

Sa Instagram post ni Paolo ngayong araw, September 8, ay inilahaad niya ang kanyang saloobin sa kinasasangkutang kontrobersya.

“After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can't say I don't deserve it kaya tinatanggap ko lang ito,” bungad ni Paolo.

“I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito.”

Pinabulaan ni Paolo na gumagamit siya ng illegal drugs na siyang sanhi diumano para saktan niya si LJ at ang mga bata.

“This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.”

Sa isyu naman ng third party ay inamin ni Paolo na naging “marupok” siya sa ilang taong pagsasama nila ni LJ.

“I'm not proud of it. For that, I'm sincerely sorry. I'm truly ashamed of my actions,” sabi ni Paolo.

Ipinagtanggol naman si Paolo ang aktres na si Yen Santos na siyang itinuturong dahilan ng pagkakalabuan nila ni LJ.

Leading lady ni Paolo si Yen sa pelikulang A Faraway Land na kasalukuyang napapanood sa Netflix.

“She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na 'to,” paliwanag ni Paolo.

“Pati 'pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.”

Subalit inamin din ni Paolo na nagkita nga sila ni Yen sa Baguio nitong mga nakaraang araw. Depensa ng aktor, sumunod ang aktres bilang isang kaibigan at hindi dahil may relasyon sila.

Hindi raw naisip ni Paolo ang magiging reaksyon ng publiko tungkol dito, bagay na inihingi niya rin ng paumanhin.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip.

“Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I'm sorry for this.”

Tugkol naman sa desisyon ni LJ na lumipad patungong Amerika kasama ang mga bata para lumayo, ay ito ang sabi ni Paolo.

“I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer. Kahit hindi kami okay.

“But I understand and respect her decision to go to the States muna.

“Sana balang araw makapag usap kami ng maayos para sa bata. Madami pang kailangan pag-usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.”

Sa isang hiwalay na Instagram post, nag-sorry si Paolo kay LJ Reyes at nangakong magiging "better person" at matututo sa pinagdaanan n'yang issue.

"To LJ, I'm very sorry. For everything. Sa lahat lahat."

"I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us."

Basahin ang dalawang Instagram posts ni Paolo dito:

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Samantala, balikan ang relationship timeline nina LJ Reyes and Paolo Contis sa gallery na ito.