
Nagpaunlak ng panayam ang dating komedyante na si Jinky Oda na kung saan ay ikinuwento niya ang kasalukuyan niyang buhay sa Amerika.
Naka-base ngayon sa San Franciso, California si Jinky (Jacque Oda sa totoong buhay) na kung saan ay namamasukan siya bilang security officer.
Taong 2016 nang lisanin ni Jinky ang Pilipinas matapos ang kanyang makulay na showbiz career.
Unang nakilala si Jinky sa karakter niyang sa Bale sa hit comedy-fantasy sitcom na Okay Ka, Fairy Ko na pinagbibidahan ni Vic Sotto. Nasundan ito ng marami pang comedy projects sa pelikula at telebisyon.
“At that time tapos na 'yong Vampire ang Daddy Ko, so sabi ko anong mangyayari kasi medyo marami ng komedyante na lumalabas tsaka wala akong managerial [contract] nung mga panahon na 'yon,” kuwento ni Jinky kay Pia Arcangel ng Tunay na Buhay.
Tinanong daw si Jinky ng kanyang anak kung nakikita ba niya ang sarili na puwedeng manirahan sa Amerika.
“Umoo na lang ako kahit hindi pa ko sure. So ayon, after a month, pumunta na ko rito,” kwento pa niya.
Hindi naging madali para kay Jinky ang mag-adjust sa bago niyang buhay at sumubok siya ng iba't ibang trabaho para kumita ng pera.
Ilan lamang sa mga naging trabaho niya sa States ay pagiging on-call caregiver at performer sa comedy bar.
Eventually ay nakakuha si Jinky ng trabaho bilang security personnel noong nakaraang taon.
Ipinakita ni Jinky sa programa ang kanyang routine sa araw-araw, maging ang kanyang uniform na ginagamit sa trabaho.
Single mom si Jinky at inamin niya na very challenging right from the start na pagsabayin ang pagiging ina sa marami pang responsibilidad sa buhay.
“Hindi rin ako lumaki sa mga parents ko, biological parents ko, adopted lang ako so parang somehow nagkaroon ng pattern,” seryosong sambit ni Jinky.
“'Yon lang, sa side ng anak ko, merong nanay. Sa akin kasi both [parents] wala. At least siya may nanay. Ang issue ko lang dun is paano ko ibabalanse ang pagiging nanay at tatay at the same time.”
Pagdating naman sa larangan ng pag-ibig ay single but dating si Jinky sa kasalukuyan.
“I could say I'm dating, but nothing serious yet. Kasi na-brokenhearted na ko dito, na-culture shock ako. So ngayon hinay-hinay lang.”
“Pinapag-pray ko na lang. Kasi naging impulsive din ako diyan, kasi na-excite,” dagdag pa niya.
Panooring ang kabuuan ng panayam kay Jinky dito:
Alamin ang ilan pa sa ating local celebrities na piniling manirahan sa abroad para magsimula ulit: