GMA Logo Ben and Ben
What's on TV

Ben&Ben, tampok mamaya sa 'Tunay na Buhay'

By EJ Chua
Published September 15, 2021 8:49 PM PHT
Updated October 25, 2021 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ben and Ben


Folk pop band na Ben&Ben, mapapanood ngayong gabi sa 'Tunay na Buhay.'

Ngayong gabi, mapapanood sa GMA's documentary show na Tunay na Buhay ang Pinoy band na Ben&Ben.

Nagsimula lang bilang duo ang kambal na sina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin Guico.

Kalaunan, nadagdagan sila at naging band of nine nang imbitahan nila ang kanilang mga kaibigan na tumugtog sa una nilang mga komposisyon.

Ang Ben&Ben ay binubuo ngayon ng mahuhusay na singers at musicians. Sila ay sina Toni Muñoz, Poch Barretto, Jam Villanueva, Patricia Lasaten, Agnes Reoma Andrew de Pano, at Keifer Cabugao.

Dahil sa magaganda at makahulugang lyrics ng kanilang mga kanta, marami ang nakaka-relate sa mga ito kaya naman mas minamahal pa sila ng kanilang fans.

Mabilis na sumikat ang grupo sa pamamagitan ng kanilang mga kanta tulad ng “Kathang Isip,” “Leaves,” at “Ride Home.”

Nasa mahigit 80 videos na ang nai-upload sa kanilang Youtube Channel.

Ito ay ang ang kanilang song covers, collaborations kasama ang ilang mahuhusay na singers, at random vlogs bilang isang solid folk pop band.

Sa kasalukuyan ay nasa 2.17 million na ang kanilang subscribers sa Youtube.

Mamaya ay kakasa ang members ng Ben&Ben sa “Whisper Challenge” kasama ang host ng Tunay na Buhay na si Pia Arcangel.

Dito ay masusubukan ang husay at memorya ng grupo sa paghula ng title ng kanilang mga kanta sa pamamagitan lamang ng lip reading.

Sa mahigit isang taon nilang pagsasama-sama sa iisang bahay dahil sa COVID-19 pandemic, lalo nga bang naging matatag ang kanilang Samahan?

Abangan ang kanilang kwento mamayang 11:30 p.m. sa Tunay na Buhay.