GMA Logo Jelai Andres
What's Hot

Jelai Andres, naging tindera ng gulay for a day

By EJ Chua
Published September 17, 2021 10:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres


Naging tindera ng gulay for a day si Jelai Andres para sa kanyang 'moving pantry' vlog.

Kilala na ang celebrity vlogger na si Jelai Andres bilang isang content creator na may mabuting puso dahil sa mga videos nito sa Youtube.

Ilan sa kanyang content ay challenges na nagiging daan upang makatulong sa random people na kanyang nakakasalamuha.

Sa kanyang bagong vlog, nag-disguise bilang isang tindera si Jelai Andres at tinawag niya itong “Moving Pantry.”

Sa unang part ng kanyang content, inalala niya ang isang contestant na si Kuya Boyet na naging parte noon sa kanyang vlog na hakot challenge.

Matapos nito ay naging kaibigan na niya ang lalaki at tinulungan siya nito na makakuha ng gagamiting cart para sa kanyang bagong vlog.

Pinuno ni Jelai ang cart ng mga gulay na gagamitin nila sa kunwaring pagtitinda.

Kilala ring isang kalog na actress at vlogger si Jelai Andres dahil sa mga nakakatawang jokes at banat nito.

Habang nagtitinda, tinanong siya ng kanyang ate na si Candy tungkol sa mga tawag sa ilang gulay ngunit hindi kabisado ni Jelai ang ilan dito.

Jelai Andres

Natawa rin ang mga namimili sakanya dahil hindi siya makasagot kung ano ang tamang presyo ng kanyang tinda.

Habang namimili ang isang lalaki at nagbabayad na ito, ni-reveal ni Jelai na libre lamang ang mga gulay kaya hindi niya kailangang magbayad.

Huminto naman sa isang bahay si Jelai at pabirong nagtanong kung ano ang ulam ng mga nakatira doon.

Pabiro din nitong tinanong kung pwede daw ba silang makikain doon?

Bukod sa pamimigay ng gulay, may palaro pa si Jelai sa kanyang vlog at kapag nasagot ito ng tama ay may pa-premyo ito na cash.

Kahit nasa gitna ng pandemya, hindi maikakaila ang pagiging generous ni Jelai Andres upang makatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang mga content.

Sa kasalukuyan, nasa 6.48 million na ang subscribers ni Jelai Andres sa kanyang Youtube Channel.

Panoorin ang ginawang taong grasa prank ni Jelai Andres na muntik nang magpaiyak kay Buboy Villar.

Kilalanin naman ang mga lalaki sa buhay ni Jelai Andres sa gallery na ito: