GMA Logo xian lim and and atom araullo
What's Hot

Xian Lim, kumasa sa '24 Oras' challenge sa TikTok

By Jansen Ramos
Published September 20, 2021 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

xian lim and and atom araullo


Pwede na kaya maging news anchor si Xian Lim? Alamin dito!

Isa si Xian Lim sa mga sumabak sa viral duet challenge ni 24 Oras news anchor Atom Araullo sa trendy short-form video app na TikTok.

Ang nasabing duet challenge ay maaaring subukan para malaman kung ikaw ay papasang 24 Oras reporter sa pamamagitan ng pagbasa ng teaser headlines mula sa teleprompter sa loob ng 20 segundo.

Kumasa naman si Xian sa nakakaaliw na hamon sa kanyang TikTok account na may handle na awkwardchinito habang nakasuot pa ng suit.

Mapapansin na nag-iba ang boses ng aktor na mala-Mike Enriquez ang datingan.

@awkwardchinito

##duet with @24oras Balita diyan? ##fyp

♬ original sound - 24 Oras

Mapapanood si Xian sa upcoming GMA primetime series na Love. Die. Repeat na pagbibidahan nila ni Jennylyn Mercado.

Ang serye ay first major project ni Xian sa Kapuso network matapos magkaroon ng guest appearances sa block timer programs na ipinalabas sa GMA.

Wala pang petsa kung kailan ipapalabas ang Love. Die. Repeat. pero kasalukuyang nasa taping bubble na ang cast ng inaabagang serye.

Samantala, tingnan ang ilang pogi shots ng bagong Kapuso na si Xian dito: