Showbiz News

Netflix Series 'Squid Game' trends online

By Jimboy Napoles

Isang araw lang matapos ang premiere sa Netflix, agad na nag-trending ang Korean series na Squid Game na pinagbibidahan ng Korean actors na sina Lee Jung-jae at Park Hae-soo.

Ang ilang Pinoy viewers hooked agad sa kakaibang kwento at plot twist ng nasabing series.

Ang kwento ng Squid Game ay tungkol sa mga taong nabaon sa utang at may malalaking problema sa pera na napilitang magpa-recruit sa isang misteryosong organisasyon, na magdadala sa kanila sa isang isla na may iba't ibang playground. Dito ay magiging players sila ng 'twisted children's games' na may deadly consequences sa mga matatalo. Ang makaka-survive sa lahat ng laro ay mananalo ng 45.6 billion Korean won.

Hindi napigilan ng mga nakapanood na ng series na i-post online ang kanilang sari-saring mga reaksyon. Kaya naman consistent sa Twitter top trending list ang nasabing Korean series.

Kabilang din sa mga pinag-usapan ng Squid Game viewers online ang husay ng mga aktor at bida sa series. Isa na rito ang fashion model na si Jung Ho Yeon, na gumaganap bilang si Kang Sae Byeok, isang North Korean national na determinadong manalo sa mga laro upang makuha ang malaking premyo at mabuo ang kaniyang pamilya sa South Korea. Ito raw ang acting debut ni Ho Yeon na runner-up ng Korea's Next Top Model 4.

Maging sa TikTok, trending din ang ilang mga tumatak na eksena sa series. Gaya ng cameo ni Train to Busan at Coffee Prince actor na si Gong Yoo.

Spotted din ang ilang good-looking supporting characters na hindi nakaligtas sa mga mata ng mga manonood, katulad na lang ng rookie Korean actor na si Lee Jung-jun.

September 17 ipinalabas sa Netflix ang 'Squid Game', nakaabang naman ang fans sa posibleng Season 2.