GMA Logo BTS, K-pop
What's Hot

BTS spreads message of hope to everyone, especially the 'Welcome Generation'

By Jimboy Napoles
Published September 21, 2021 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

BTS, K-pop


Sa pagdalo ng K-pop giant na BTS sa United Nations General Assembly (UNGA), nagbigay sila ng mensahe para sa mga kabataan na 'wag mawalan ng pag-asa sa kabila ng krisis na kinakaharap dulot ng pandemya.

Bukod sa trending performance ng kanilang latest hit na “Permission to Dance” sa United Nations General Assembly (UNGA), umani rin ng papuri ang BTS sa kanilang naging mensahe sa mga kabataan.

Sa report ng GMA News, hinimok ng global sensation na BTS ang lahat na maging matatag, lalo na ang mga kabataan na nasa kanilang teens at 20s na tinatawag minsan na “Lost Generation” dahil sa mga nawalang oportunidad sa kanila dulot ng COVID-19 pandemic.

Pero sabi ng BTS hindi raw dapat silang tawagin na “Lost Generation” kundi ang “Welcome Generation” na wine-welcome ang pagbabago at patuloy na nagsisikap sa buhay.

Source: BTS_official (Twitter)

Nagpaalala rin ang grupo sa kahalagahan ng bakuna. Ito raw ang kanilang naiisip na “ticket” para muling ma-meet at makasama ang fans. Sa katunayan, bakunado na ang lahat ng miyembro ng BTS.

Ito na ang ikatlong pagdalo ng BTS sa UNGA. Una ay noong 2018 at ang pangalawa ay nito lamang 2020.

Source: BTS_official (Twitter)

Isa lamang ang “Permission to Dance” sa kanilang hit English songs na ni-release nitong Hulyo. Ang awiting ito ay kanilang isinulat kasama ang singer-songwriter na si Ed Sheeran, layon din nitong i-promote ang “inclusivity” kaya naglagay sila ng mga sign language sa choreography ng kanilang awitin.

Alamin ang kabuoan ng report na ito, dito: