GMA Logo Celebrity voter registration
What's Hot

#Eleksyon2022: Ilang celebrities, tiniis ang mahabang pila para magparehistro

By Jimboy Napoles
Published September 22, 2021 8:22 PM PHT
Updated September 22, 2021 8:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Celebrity voter registration


Hanggang September 30 na lang puwedeng magparehistro ang mga gustong bumoto para sa #Eleksyon2022.

May ilang celebrities gaya ni Dabarkad Pauleen Luna ang tiniis ang mahigit dalawang oras na pila para makapagparehistro.

Ibinahagi ni Pauleen ang kaniyang naging karanasan sa voter registration sa kaniyang Instagram story.

“I arrived at 7:10 AM and it's now 9:23. I'm happy to be able to sit down now."

Ayon pa kay Pauleen, nagulat siya na mas maikli raw ang pila ng mga nasa walk-in pagpasok niya sa Commission on Elections (COMELEC) registration center kaysa sa mga may schedule kaya mas mabilis din siyang natapos.

Samantala, ang Kapuso star na si John Vic De Guzman naman ay ineenganyo ang iba para magparehistro.

“You've got to register and VOTE. That's it; that's the way we move forward” sabi ng volleyball star sa kaniyang Facebook account.

Pumila rin ng matagal sa registration center ang aktres na si Maris Racal. Sa kaniyang TikTok account, nag-post si Maris ng kaniyang naging karanasan.

Kuwento ng aktres, dalawang beses siyang nagpunta sa registration center dahil mali pala ang district na napuntahan niya noong una.

“Pero nung 8:00 am nalaman ko na maling district pala 'yung pinilahan ko so ang galing lang talaga, wala ng slot so umuwi na lang ako.” kuwento niya.

Kahit nanghinayang sa haba ng oras na kaniyang ipinila, bumalik pa rin ang aktres kinabukasan sa tamang registration center.

“Got to [register the] next day, 2:30am pa rin ako pumila…nakapasok na ako sa mall finally may aircon” masayang kuwento ni Maris.

@missmariestella

word of the day: district #fyp #registertovote

♬ original sound - Maris Racal

Nagpaalala rin siya sa kaniyang mga followers na humabol na sa pagpaparehistro.

“Sa lahat ng gustong magparehistro, maaga dapat kayong dumating. Meron pa tayong few days left, so magparehistro na kayo guys.”

Sa Facebook rin ibinahagi ng model at social media influencer na si LA Aguinaldo ang kaniyang larawan matapos magparehistro. Ito ay may caption na “this is your sign to register to vote.”

Sa Twitter naman, i-pinost ng aktres na si Miles Ocampo ang mga larawan ng kaniyang pagpaparehistro nito lamang September 8.

Para sa mga nais pang humabol sa pagpaparehistro upang makaboto sa darating na 2022 election, magpa-schedule na sa COMELEC.

Samantala, tingnan ang ilang celebs na bumoto noong 2019 Philippine general election: