GMA Logo Pokwang and Aira Bermudez
What's Hot

Pokwang at SexBomb Aira, todo hataw sa kantang 'Baile' ni Rochelle Pangilinan

By Aedrianne Acar
Published September 23, 2021 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang and Aira Bermudez


Patok sa TikTok ang dance showdown nina Pokwang at Lilian Aira Bermudez.

Pinusuan ng mga netizens ang kulit dance video sa TikTok ng award-winning comedienne na si Pokwang at ang SexBomb dancer na si Aira Bermudez.

Napabilib hindi lamang netizen, kundi pati mga celebrity nang humataw ang dalawa sa kanta ni Rochelle Pangilinan at Gloc-9 na “Baile.”

Umabot sa mahigit 92,000 likes at 800,000 views ang dance collaboration na ito ng dalawa.

@mamangpokwang27

Ang paghaharap nila tyang Lilian @airabermudez at aling Tarsing hahahaha #Baile #fyp kapag malayo pa sweldo bumaile ka muna kay @rocsolinap

♬ original sound - JHOVS (DjFrancine) 🎧🎶🎵🇵🇭

Heto naman ang ilan sa reaksyon ng celebrities sa viral TikTok video ng dalawa.

Source itspokwang27 IG

Source itspokwang27 IG

Napapanood ang dalawa sa prequel na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, kung saan gumaganap si Pokwang bilang si Aling Tarsing at si Aira ang nagpo-portray kay Lilian na kamag-anak ni Elsa Manaloto (Mikee Quintos).

May pagkakataon uli na mag-add ng bagong award si Pokwang ngayong taon, matapos ma-nominate sa 34th PMPC Star Awards for TV sa kategoryang Best Comedy Actress.

Kilalanin pa nang husto ang multi-awarded TV and movie actress na si Pokwang sa gallery sa ibaba.