GMA Logo Seo Kang-joon and Park Min-young
What's Hot

Seo Kang-joon at Park Min-young ng 'When the Weather is Fine,' mapapanood na sa GMA

By Aimee Anoc
Published September 28, 2021 11:49 AM PHT
Updated September 28, 2021 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Seo Kang-joon and Park Min-young


Abangan ang kakaibang love story nina Seo Kang-joon at Park Min-young sa GMA.

Sabay-sabay na umibig sa kakaibang melodrama na hatid nina award-winning actor Seo Kang-joon at Korea's finest actress Park Min-young sa When the Weather is Fine.

Makakasama rin nila rito si Extraordinary You actor Lee Jae-wook, gayundin sina Im Se-mi, Kim Young-dae at Yang Hye-ji.

Dahil sa masakit na nakaraan, nahirapang mamuhay sa siyudad si Hannah (Park Min-young) bilang isang Cello teacher kaya naman napagdesisyunan niyang bumalik na lamang sa kanilang probinsya sa Bukhyun.

Sa pagbalik sa Bukhyun, nanirahan si Hannah sa kanyang Auntie na nagpapatakbo ng isang maliit na bahay panuluyan. Dito muling nakita ni Hannah ang kanyang high school classmate na si Joshua (Seo Kang-joon), na may-ari ng isang maliit na bookstore.

Simple lamang ang pamumuhay dito ni Joshua kung saan paggising sa umaga ay magtitimpla siya ng tsaa, magbabantay sa tindahan at magsusulat sa kanyang blog. Pero magbabago ang lahat ng ito nang muli niyang makita si Hannah.

Paano kaya matutulungan ni Joshua si Hannah na magtiwalang muli sa mga tao, kung patuloy na bumabalik sa huli ang madilim na nakaraan?

Magsisimula na sa October 11, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.

Samantala, kilalanin sa gallery na ito si Park Min-young: