GMA Logo SB19's Pablo
What's on TV

Get ready for the first episode of GMA's podcast Behind The Song featuring SB19's Pablo

By Aimee Anoc
Published September 28, 2021 2:18 PM PHT
Updated September 29, 2021 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

SB19's Pablo


Handa na ba kayo, A'TIN? Mapapakinggan na ang unang episode ng 'Behind The Song' ngayong araw, September 28, 5 p.m sa Spotify.

Makakasama natin sa unang episode ng Behind The Song sina SB19's Pablo at music producer Simon Servida kung saan kanilang ibabahagi ang pagbuo sa pinakabagong EP ng SB19 na "Pagsibol."

Bukod sa A'TIN, excited na rin si Kapuso host Thea Astley para sa premiere ng Behind The Song.

"I am super excited. Today has finally come for the launch of Behind The Song," pagbabahagi ni Thea sa naganap na 'Kapuso Kwentuhan Live' sa Instagram.

"The first episode will be launch later this afternoon (September 28), 5 pm on Spotify. Sa lahat ng mga fans ng SB19, sa lahat ng mga A'TIN sana po ay i-stream ninyo ang aming first episode," dagdag niya.

Iniimbitahan din ni Thea ang lahat para sa magaganap na Twitter party mamaya, 4 p.m sa pagsisimula ng Behind The Song. Maaaring gamitin ang hashtags na #BehindTheSong, #SB19Pablo_BehindTheSong at ang tagline na "Behind The Song x Thea Astley."

Ilalabas ang bagong episode ng naturang podcast tuwing Martes na mapapakinggan nang libre sa Spotify, at mapapanood naman ang buong interview sa social media pages ng GMA Network tuwing Huwebes.

Samantala, kilalanin ang Behind The Song host na si Thea Astley sa gallery na ito: