GMA Logo Julie Anne San Jose and Thea Astley
What's Hot

Thea Astley, malaki ang paghanga kay Julie Anne San Jose

By Aimee Anoc
Published September 29, 2021 4:26 PM PHT
Updated September 29, 2021 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose and Thea Astley


Isa sa upcoming guests ng GMA's podcast 'Behind The Song' si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

Isa sa local artists na makakasama sa pinakabagong podcast ng GMA na Behind The Song si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

Sa naganap na Kapuso Kwentuhan Live, inamin ni Kapuso host Thea Astley na isa si Julie Anne sa mga paborito niyang local artists na nakapanayam sa Behind The Song.

"Alam n'yo namatay na 'yung kamera ko dahil sa tagal nu'ng [interview]. 'Yun na 'yung pinakamatagal naming interview like 'yung pinakamatagal na raw footage na na-submit ko kasi parang 1 hour 'yung footage na 'yun. Ang sarap lang makipagkwentuhan kay ate Julie. Sobrang free flowing lang nu'ng conversation," pagbabahagi ni Thea.

Sa kauna-unahang podcast episode na inilabas noong September 28, nakasama ni Thea sina SB19's Pablo at music producer Simon Servida kung saan ibinahagi nila ang pagbuo sa pinakabagong EP ng SB19 na 'Pagsibol.'

Sunod na makikilala ang international indie-pop trio na sina Calvin Langman, Ross Monteith, at Luke Davis ng The Happy Fits, kung saan mapapakinggan ang kanilang podcast sa Spotify sa October 5, at mapapanood naman ang buong interview sa social media pages ng GMA Network sa October 7.

Samantala, kilalanin sa gallery na ito si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose: