
Marami ang nagtataka kung nasaan na nga ba ang Kapuso resident meteorologist na si Nathaniel 'Mang Tani' Cruz dahil matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood sa pagbibigay ng weather report sa GMA News.
Natuldukan ang katanungang ito noong Huwebes nang mag-shout out kay Mang Tani ang 24 Oras anchors na sina Mel Tiangco, Vicky Morales, at Mike Enriquez.
"Bago po tayo magtapos, shout-out muna tayo sa ating ekspertong totoo, si Mang Tani, si Ginoong Nathaniel Cruz," sabi ni Mel.
Napag-alaman na nasa bakasyon ngayon si Mang Tani kasama ang kanyang pamilya.
"Si Mang Tani po ngayon ay nasa Melbourne, Australia kasama ang kanyang pamilya," dagdag ni Vicky.
Pero may panibago na namang katanungang iniwan si Mike sa mga manonood.
"Marami nang nakaka-miss kay Mang Tani. Kamusta na kaya si Mang Tani? Kailan kaya siya babalik?" ani ni Mike.
"Abangan!" pagtatapos ni Vicky.
Samantala, tingnan sa gallery na ito ang GMA News reporters na nagpalit ng trabaho: