GMA Logo kelvin miranda
What's Hot

Kelvin Miranda, masaya sa mga karangalang natanggap ng 'The Lost Recipe'

By Marah Ruiz
Published October 2, 2021 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin
Water Resilience - Global Compact Network Philippines | Need To Know

Article Inside Page


Showbiz News

kelvin miranda


Nakabingwit ng dalawang parangal ang 'The Lost Recipe' mula sa 2021 Asian Academy Creative Awards.

Humanga si Kapuso actor Kelvin Miranda sa team effort ng historical fantasy series na The Lost Recipe.

Nakatanggap kasi ng dalawang parangal ang The Lost Recipe sa 2021 Asian Academy Creative Awards.

Nakamit nito ang Best Visual or Special FX in TV Series or Feature Film at Best Editing awards, salamat sa video editors nitong sina John Wesley Lagdameo, Alvin John Memijie, at Thea Rivera Daguman.

Matapos ang mga panalong ito, makikipagtagisan ang The Lost Recipe sa iba pang national winners sa Grand Awards na gagaanapin ngayong December.

"Kahanga-hanga ito dahil napansin ang effort ng team TLR. Hindi biro ang dinanas ng bawat isa sa loob ng paggawa ng serye na ito, sa kabila noon ay kapalit naman ng magandang reviews at malaking karunungan sa bawat isa," pahayag ni Kelvin sa isang mensaheng eksklusibo niyang pinadala sa GMANetwork.com.

Dahil sa mga parangal na ito, nasulit daw ang lahat ng effort nila sa paggawa ng show.

"Malaking bagay sa akin ang karangalan na ito dahil nabigyan ng pansin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng Team The Lost Recipe. Masaya ako at nabigyan ng hustisya ang paghihirap ng bawat isa," aniya.

Kung si Kelvin daw ang masusunod, nais niyang magkaroon ng sequel o book two ang serye.

"Kung ako naman ang masusunod, gagawan ko ng book two ang TLR at mas ikukuwento ko kung ano pa ang nangyari sa past at paano siya nakabalik sa present," pagtukoy niya sa kayang karakter na si Harvey.

Pero nilinaw din niyang nasa mga boss sa GMA Network pa rin ang desisyong ito.

"Sa palagay ko nakadepende pa rin ito sa aming mga boss kung bibigyan kami ng chance na magkaroon ng book 2," lahad ng aktor.

Ang The Lost Recipe ay isang fantasy romance series na tungkol sa Adobo, isa sa pinaka kilalang Filipino dishes sa mundo.

Gumanap dito si Kelvin bilang Harvey, isang failed chef na nabigyan ng pagkakataon na maglakbay patungo sa nakaraan para mag-aral sa ilalim ng tinguriang Matriarch of Filipino Food na si Conchita Valencia.

Aksidenteng madalala ni Harvey sa kasalukuyan ang Adobo recipe ni Conchita at magkakaroon ng malalaking consequences ang aksiyon niyang ito.

Mapapanood nang libre ang full episodes ng The Lost Recipe sa sa official mobile app ng GMA Network at sa GMANetwork.com/FullEpisodes.