Showbiz News

Teaser ng mysterious 'Kuya', umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens

By Dianne Mariano

Agaw-pansin ang ipinalabas na teaser ng GMA Network sa social media noong Huwebes, September 30, tungkol sa isang mysterious “Kuya,” na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Sa 15-second na video, ipinakita ang isang lalaking nakasakay sa isang motorsiklo at pumasok ito sa loob ng GMA Network compound. Base din sa teaser, ang misteryosong kuya na ito ay isang “Oppa ng Kaalaman”.

Bago makapasok sa loob ng GMA Network Center, sinalubong ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes si mysterious “Kuya” at binati nang naka-finger-heart pose.

Habang nasa loob ng Kapuso Network studios, makikita rin na inaayos ni “Oppa ng Kaalaman” ang kanyang sumbrero at nag-pose muli nang naka-finger heart at sinabi “Kimsahamnida”.

Matapos na ipalabas ang nasabing teaser, umani ito ng iba't ibang reaskyon mula sa netizens.

Hindi man ipinakita ang mukha ni “Kuya ng Bayan”, ilan sa netizens ang nagbahagi na ito raw ang Korean artist na si Gong Yoo.

Phot courtesy: GMA News (Facebook) GMA Network (Facebook)

Maliban dito, natuwa rin ang ibang netizens sa kagandahan ng 15-second teaser na ito.

Phot courtesy: GMA Network (Facebook)

Sino kaya ang tinatawag na “Kuya ng Bayan” ng Kapuso Network? Abangan ito ngayong October!

Samantala, kilalanin ang mga artista na nagmula sa ibang networks at na ngayon ay proud to be a Kapuso na sa gallery na ito: