GMA Logo The Penthouse 2
What's Hot

The Penthouse 2: Ang pagbagsak ni Dante | WEEK 5

By EJ Chua
Published October 4, 2021 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The Penthouse 2


Ang mga magkaaway noon, nagtulungan na para pabagsakin si Dante.

Sa ikalimang linggo ng The Penthouse 2, matitinding pangyayari ang kinaharap ni Scarlet at ng kanyang pamilya dahil sa kasamaan ni Dante.

Kasabay ng selebrasyon sa Hera Palace, isang wedding gift ang ibinigay ni Dante kay Scarlet na lubos na nakapagpagalit pa sa kanya.

Isa sa napakaraming plano ni Dante ay ang pagsira sa pamilya ni Scarlet.

Dahil sa pagmamahal ni Anton sa kanyang anak na si Camille, isinuko niya ang kanyang sarili sa mga pulis upang akuin ang kasalanan ni Camille kay Rona.

Lubos naman itong ikinagalit ni Cindy na kasalukuyang asawa ni Anton.

Habang nakakulong si Anton, isang sikreto ang ibinunyag ni Cindy tungkol sa pagkatao ng anak niyang si Rona. Naging emosyonal si Anton nang malaman na hindi lang pala si Camille ang kanyang anak kundi pati ang nawalang anak na si Rona. Ang inakalang tahimik na buhay sa kulungan ay simula pala ng pagdurusa dahil sa matinding pagsisisi.

Sa patuloy na pagpaplano ni Logan at Cindy para sa gagawing paghihiganti kay Dante, isang rebelasyon ang magpapabago sa buhay ni Logan. Unang kita pa lang kay Allison na kasintahan ni Dante ay hindi na siya mapakaling alamin ang buong pagkatao nito.

Nang malaman na ni Logan ang pagpapanggap ni Allison, mas mahigpit na pagbabantay ang ginagawa niya para rito upang maprotektahan siya mula kay Dante.

Upang mas mapabilis ang paghihiganti laban kay Dante, nakipagtulungan na si Allison at Scarlet kay Cindy at Logan.

Ang inakalang matagal na kakampi ay isa rin pala sa magpapabagsak kay Dante.

Abangan ang mas kapana-panabik pang mga pangyayari sa huling linggo ng The Penthouse 2 mula Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin si Kim So Yeon ang gumaganap na Scarlet sa The Penthouse 2 sa gallery na ito: