Showbiz News

Kuya Kim Atienza says he's a fan of 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

By Dianne Mariano

Ibinahagi ng bagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza na siya'y isang fan ng award-winning newsmagazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho o KMJS, at nagko-comment pa ito sa Facebook page ng naturang programa.

Sa naganap na online interview kasama ang media kahapon (October 5), sinabi ng “Kuya ng Bayan” na suki siya ng KMJS Facebook page dahil gusto nito ang mga ibinabahagi na topics.

“Suki ako ng KMJS Facebook page. Kapag nag-cocomment ako doon, nagiging balita eh. (laughs)

"Nakailan na ako doon eh because I like their topics. Maganda yung nag-hahandle ng Facebook nila eh,” ani Kuya Kim.

Bago pa ito, ibinahagi rin ng bagong Kapuso na siya ang mismong nagko-comment gamit ang kanyang Facebook page at minsan ay nagugulat ito na nag-trending na pala ang sagot niya.

Aniya, “Yung social media ko kasi lalo na yung Facebook ko, akala nila meron akong administrator na tagasagot ng mga tanong doon. Hindi wala, that's me. All of that [is] me.”

Makikita sa Facebook page ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang iba't ibang comments ni Kuya Kim na nakakuha ng atensyon ng netizens.

Noong July, nagbahagi ang KMJS Facebook page ng isang post tungkol sa isang mag-ina sa Misamis Oriental na naghukay ng bunker dahil magkakaroon raw ng tatlong araw ng kadiliman at nag-iwan ng comment si Kuya Kim.

Aniya, “Eh di ba madilim din sa bunker, so pareho lang. Back to you guys. :)”

Isang nakatutuwang comment naman ang ibinahagi ng “Kuya ng Bayan” sa isang larawan ng Korean star na si Park Seo-joon: “Thank you for all the support, guys. Kimsahanmida, Saranghae! :)”

Maliban sa funny comments, nagbibigay din ng trivia si Kuya Kim sa ilang Facebook posts ng naturang GMA-7 program gaya na lamang nitong isang larawan tungkol sa puso ng mga babae.

Ayon sa kanyang trivia, “Alam n'yo ba na ang puso ng babae ay may bigat na 230 grams lamang, mas magaan ang puso ng lalaki na 280 grams. Kahit mas maliit, mas matindi ito magmahal at magsakrispisyo para sa pamilya. Advanced happy mothers day.. Back to you guys. :)”

Noong October 4, naging official Kapuso na si Kuya Kim matapos itong ianunsyo sa 24 Oras.

Ngayong certified Kapuso na si Kuya Kim, magiging bahagi siya ng 24 Oras, Mars Pa More, at ang bagong newsmagazine program sa GTV na Dapat Alam Mo!

Samantala, kilalanin ang “Kuya ng Bayan” na si Kim Atienza sa gallery na ito: