
Wala pang isang linggo mula noong koronahan si Tracy Maureen Perez at iba pang beauty queens sa Miss World Philippines pero tuloy-tuloy na ang paghahanda nila para sa mga sasalihang international beauty pageants.
Sa katunayan, aalis na sa October 18 si Reina Hispanoamericana Filipinas 2021 Emmanuelle Vera upang pumunta sa Bolivia kung saan gaganapin ang coronation night sa October 30.
Ayon kay Emmanuelle, ito ang kanyang unang pagsabak sa mundo ng beauty pageants kaya naghahanda siya nang lubos upang maiuwi ang koronang minsang sinuot na ng Kapusong si Winwyn Marquez noong 2017.
Saad niya sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras, "This is my first pageant so the preparations are even more intense. Step by step, just focusing on one thing at a time."
Samantala, may dalawang buwan pa si Tracy upang maghanda bago para sa Miss World pageant na gaganapin sa Puerto Rico.
Aniya, "I still have two more months to learn Spanish and I will definitely ask my lolos and my lolas because they are in the Spanish lineage so I'll get to that."
Mapapanood ang coronation night ng Miss World Philippines sa October 10, 10:30 p.m. sa GMA Network.
Bukod kina Tracy at Emmanuelle, kilalanin ang iba pag Miss Universe Queens dito: