
Sa unang linggo ng The Bureau of Magical Things, naipit si Kyra (Kimie Tsukakoshi) sa pag-aagawan sa libro nina Imogen (Elizabeth Cullen), isang elf, at Lily (Mia Milnes), isang fairy.
Isang ordinaryong teenage girl lamang si Kyra nang hindi sinasadyang matuklasan niya ang mundo ng mahika. Habang nag-eehersisyo, nakakita siya ng lumulutang na libro sa daan. Dahil sa pagkamangha, hinawakan niya ito at bigla na lamang nagkaroon ng isang pagsabog.
Nang muling magkamalay, nalaman ni Kyra na ang nakitang libro sa daan ay kagagawan ng isang fairy at elf. Dahil sa pangyayaring ito, nabuksan ang mga mata ni Kyra sa mundo ng mahika at nagkaroon na rin siya ng kapangyarihan.
Dahil sa hindi makontrol na kapangyarihan, niyaya nina Imogen at Lily si Kyra kay Professor Maxwell (Christopher Sommers) para matuto. Nakasama rin ni Kyra sa eskuwelahan ni Professor Maxwell sina Ruksy, Sean at Darra.
Samantala, nang malaman ni Lily na nakita ni Peter (Jamie Carter) si Kyra na gumagawa ng mahika, agad na sinubukang burahin ni Lily ang alaala rito ni Peter. Pero nagkamali sa paggamit ng mahika si Lily kaya naman ang paniniwala ngayon ni Peter ay isa siyang karakter sa kwento ni Shakespeare.
Ano kaya ang gagawin ni Peter ngayong alam na niyang totoo ang mundo ng mahika?
Patuloy na panoorin ang The Bureau of Magical Things, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 a.m sa GMA Fantaseries.