GMA Logo super tekla
What's Hot

Tekla, hinangaan dahil pinatawad niya ang taong nagbintang sa kanyang shoplifter

By Jansen Ramos
Published October 17, 2021 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gloria Romero, Nora Aunor, Emman Atienza, more celebrities who left us this 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

super tekla


"Imbes na magalit ako awa ang nanaig sa puso ko," sabi ni Tekla matapos mapagbintangang shoplifter sa isang convenience store.

Hinangaan si Super Tekla, o Romeo Librada sa tunay na buhay, ng kanyang fans at follower dahil sa pagpapatawad niya sa staff ng isang convenience store, na maling nag-akusa sa kanyang shoplifter.

Ibinahagi ni Tekla sa social media ang hindi magandang na sinapit nya matapos mapagbintangang shoplifter sa isang convenience store.

Ayon sa Facebook post niya noong October 16, napahiya siya sa harap ng kapwa niya customer noong nang harangan at kapkapan siya ng saleslady matapos mamili sa isang sikat na convenience store na may branch sa E. Rodriguez street sa Quezon City.

Bahagi ni Tekla, "HINARANG AKO NG SALESLADY AFTER KO MABAYARAN YUNG BINILI KO. MAY KINUHA DAW AKONG ITEM SABI KO, 'ARE YOU SURE ATE?' NAPAHIYA AKO, DAMING TAO. SABI NYA, KAPKAPAN DAW AKO THEN SABI KO, 'GO AHEAD.'

"WALANG NAKITA SA AKIN PINA-CHECK KO ANG RESIBO KO, KUMPLETO BAYAD AT YUNG BINILI KO. BINABA KO YUNG MASK KO, NA-RECOGNIZE NYA AKO SI TEKLAH."

Dahil napagkamalang nagnakaw, maintindihan ang pagkadismaya ni Tekla sa saleslady.

Ngunit, sa gitna ng sinapit, inunawa ni Tekla ang sitwasyon ng babae matapos manaig ang awa dahil may tsansa itong maparasuhan o, mas matindi pa nito, matanggal sa trabaho.

Bahagi niya pa sa kanyang post, "ATE, KINAPKAPAN AT PINAGBINTANGAN MO AKO, ATE, TAPOS NGAYON IIYAK KA AT NAGSO-SORY DAHIL NAGKAMALI KA. GANUN LANG KADALI YUN.

"SABI KO SA KANYA ANG SWERTE MO, ATE, MABAIT AT MAUNAWAIN AKO KUNG SA IBA YUN, MAY PAGLALAGYAN KA.

"SIGE, ATE, PALALAGPASIN KO ITO. SWERTE MO SA 'KIN KA NATAPAT KUNG SA IBA BAKA NATANGGAL KA NA."

Dugtong ni Tekla, "LESSON LEARNED, 'WAG MANGHUSGA SA PANLABAS NA ANYO. SIGURADUHIN MONG TAMA ANG GINAGAWA MO.

"IMBES NA MAGALIT AKO, AWA NANAIG SA PUSO KO. 'DI BIRO YUNG PAGBINTANGAN KA MANANAKAW PERO SABI KO KUNG SUSUNDIN KO ANG GALIT KO, TANGGAL SIYA SA WORK.

"INISIP KO NA LANG YUNG GOOD SIDE. SABI KO SA INYO, IN REAL LIFE NAPAGBIBINTANGAN AKO.

"AYUN ABOT LANGIT PASALAMAT NI ATE. INISIP KO RIN MARAMING UMAASA SA KANYA MAS MAINAM ANG MAGPATAWAD AT UNAWA MINSAN SA SITWASYON.

"SHARE KO LANG SA INYO. NAKAKATAWA PERO SAD REALITY."

Samantala, marami ang humanga sa kabutihang ipinakita ni Tekla sa nasabing staff matapos palampasin ang maling pag-aakusa sa kanya.

Komento ng isang netizen, "Wow naman po...nakaka proud po kayo super tekla..naka humble mong tao..sana lahat po ng tao kagaya mong mag isip..kaya mas lalo kang bini bless ni God dahil nakikita nia ang puso mo! Sana lahat ng cetizen sa pilipinas mababait at takot sa Diyos gaya nio po idol tekla..ang swerti2 po nang nanay nio po .."

Ayon naman sa commenter na ito, nagkatotoo man ang madalas na comedic skit ni Tekla, hindi pa rin tama na manghusga agad ng kapwa dahil wala sa panlabas na itsura ang kabutihan.

Sulat dito, "Muka ka lang holdaper snatcher shoplifter tulad ng jinojoke mo kahit nasa bahay ka lang ikaw pagbibintangan na gumawa dahil sa pag mumukha mo..pero no...super bait mo..ikaw yung nagpapatunay na dont judge a (book) person by his ugly face ay mali by its cover pala ..pero sa totoo lang napakaganda mo at napakabute mong tao don palang bawing bawi kana ...ohhh ."

Kung tutuusin, may choice si Tekla na ireklamo ang staff sa nakatataas dito pero hindi niya ito ginawa kaya naman saludo ang ilan sa kanyang pagiging mapagpakumbaba.

Sabi ng isang Facebook follower ni Tekla, "Talagang may nga taong ganyan mapanghusga kahit hindi mo ginawa ibibintang sayo pwede mong idemanda ang mga taong ganyan moral damage ang ganyan kaya lang mas nanaig sa puso mo ang kabutihan at kababaang loob. May god bless you super . Stay safe & healthy & your family."

Samantala, kilalanin pa si Tekla sa gallery na ito: