
Mainit ang naging pagsalubong ng GMA Network sa 'Kuya ng Bayan' na si Kim Atienza nito lamang October 4, 2021.
Sa ngayon, parte na si Kuya Kim ng GMA News program na 24 Oras at ang bagong programa ng GTV na Dapat Alam Mo! kasama sina Emil Sumangil at Patricia Tumulak.
Marami ring celebrities at kapwa news personalities ang nag-welcome kay Kuya Kim kabilang na ang mamamahayag na si Atom Araullo.
Sa isang panayam ng GMANetwork.com kay Atom, sinabi niyang masaya siya sa pagiging bagong Kapuso ni Kuya Kim.
“Very exciting” pambungad ni Atom.
Dagdag pa niya “Si Kuya Kim matagal kong nakasama rin 'yan, iba yung energy na dala niya. So natutuwa ako na may pagkakataon kaming pwede na magsama kahit sandali lang tuwing humahalili ako sa 24 Oras and I'm very excited for him.”
Nang tanungin naman si Atom kung may naiisip siyang programa na pwede nilang pagsamahan ni Kuya Kim, ito ang kaniyang naging pahayag:
“Haha I'll leave that up to the bosses kung ano ang maisip nila,” masayang sinabi ni Atom.
Samantala, sa kaniyang Instagram account, ipinost naman ni Kuya Kim ang larawan ng muling pagkikita nila ni Atom sa 24 Oras studio.
Caption niya “Nice working with you again @atomaraullo” na agad naman sinagot ni Atom ng “Kuya Kim Ano Na??” na siya ring title ng segment ni Kuya Kim sa 24 Oras.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilan pang celebrities na nahanap ang kanilang bagong tahanan sa Kapuso Network: