GMA Logo Will Ashley and Jillian Ward
What's Hot

WATCH: Will Ashley at Jillian Ward give kilig vibes in latest TikTok video

By Dianne Mariano
Published October 18, 2021 7:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bureau of Customs dialogue and delivery rollout of abandoned balikbayan boxes (Dec. 18, 2025) | GMA Integrated News
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley and Jillian Ward


Panoorin ang nakakakilig na TikTok video nina 'Prima Donnas' stars Will Ashley at Jillian Ward dito:

Ramdam na ramdam ang kilig vibes kina Kapuso stars Will Ashley at Jillian Ward matapos ipost ng una ang Tiktok video nilang dalawa kamakailan.

Sa naturang video na ito, makikita si Will na tumingin muna sa kanang direksyon at nang tumingin ito sa kanyang kanan ay hinarap niya ang camera kay Jillian.

@willxashley

Wag kayo maingay di niya alam bat ako nag video 🤫

♬ original sound - Melly

Kitang-kita ang angking ganda ng Prima Donnas star at napangiti naman ito nang tumingin siya sa camera at sumakto pa ito sa lyrics na “tumingin ka sa aking mga mata” ng kantang pinamagatang “Ikaw Lang.”

Sinulat ni Will sa caption,”Wag kayo maingay di niya alam ba't ako nag video.”

Matapos ang upload ng video na ito, nag-comment ang Kapuso actress at sinabi, “Dami mong alam!!”

Photo courtesy Will Ashley Tiktok

Isang nakakakilig naman na comment ang sinabi pabalik ng aktor, “Yes, marami talaga akong alam...hehehehe.”


Umani rin ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens at marami sa kanila ang kinilig sa dalawang Kapuso stars.

Photo courtesy Will Ashley Tiktok

“Bagay na bagay ohh,” ani ng isang fan.

Isang TikTok user naman ang nagsabi, “Oyyy kinikilig ako.”

Bukod dito, mayroon ding mga pumuri sa effortless beauty ni Jillian gaya na lamang ng tangos ng ilong nito.

“YUNG ILONG MAS TUWID PA SA KINABUKASAN KO,” comment ng isang netizen.

Sabi naman ng isa pang follower, “pretty!! Tangos ilong (heart emoji).”

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit four million views ang Tiktok video na ito ni Will.

Samantala, alamin ang napakagandang pagkakaibigan nina Will Ashley at Jillian Ward sa gallery na ito: