
May maagang pamasko sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa lahat ng GabLil fans dahil muli silang mapapanood nang magkasama sa third offering ng Stories from the Heart, ang “Love On Air."
Dito ay gaganap ang real-ife Kapuso couple bilang sikat na radio personalities.
Sa ngayon ay naka-hotel quarantine na ang dalawang aktor bago magsimula ang kanilang nalalapit na lock-in taping.
Kwento nina Gabbi at Khalil sa kanilang panayam sa 24 Oras, masaya raw sila dahil nabigyan ulit sila ng magandang proyekto bago matapos ang 2021.
“Hindi namin inakala na kahit na patapos na yung taon ay nabigyan pa rin kami ng new series”. masayang sinabi ni Gabbi.
May patikim naman si Khalil sa gagampanan nilang karakter sa nasabing serye.
“Nagre-revolve siya sa kwento ng dalawang radio personalities… Ako si DJ Jojo,” kwento ni Khalil.
Para sa kanyang parte, sabi ni Gabbi, “Ako naman si Wanda or si Miss Wonderful at si Wanda naman ay isa siyang online seller."
Makakasama rin nila ang kapwa Kapuso stars na sina Kate Valdez, Yasser Marta, at ang nagbabalik Kapuso na si Sunshine Cruz.
Aabot daw ng Pasko ang kanilang bagong series kaya naghahanda na rin sila sa kanilang Christmas party on the set.
Abangan ang Stories from the Heart: Love On Air, malapit na sa GMA.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang sweet moments nina Gabbi at Khalil sa pagbisita nila sa Masungi Georeserve: