
Umani ng papuri ang aktres na si Cassy Legaspi matapos niyang ipamalas ang kanyang galing sa pagsasayaw nang ibahagi niya ang kanyang dance cover ng mga kanta ng BLACKPINK member na si Lisa na “Lalisa” at “Money.”
"Every fangirl, every fanboy has their own way of expressing their love for their idol, their role model," saad ni Cassy sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.
"Ako ito 'yun, making a dance cover for Lisa, so okay na ako tapos in a way, I'm supporting her music and her career."
Dagdag ni Cassy, siya ang nag-produce at nag-conceptualize ng kanyang dance cover sa tulong ng kanyang co-star sa First Yaya na si Thou Reyes, na siyang naging direktor.
"Inisip ko parang, what is the thing that I can do to put 'yung directing, producing skills ko, and yung dancing skills ko. E, di dance cover," kuwento niya.
Kung si Lisa ay nagsuot ng Thai-inspired outfit sa music video, si Cassy naman ay nagsuot ng modern Filipiniana.
"Hopefully, sana if this video reaches internationally, na people get to see, at least a little bit, a hint of the Filipino culture in Filipiniana," paliwanang niya.
Aprubado naman sa mga kapwa artista at kapwa BLINKs ni Cassy ang kanyang dance cover.
Ang ilang artista na pumuri kay Cassy ay ang kanyang First Yaya co-stars na sina Sanya Lopez, Pancho Magno, Maxine Medina, Kakai Bautista, at Thia Thomalla.
Nag-trend din sa Twitter ang hashtag na #CassyInYouArea.