
Nasa taping bubble na ang GMA actor na si Juancho Trivino para sa upcoming GMA series na Little Princess. Dito ay isa siya sa leading men ng aktres na si Jo Berry.
Bago sumalang sa taping ay abala si Juancho sa pag-aalaga ng kanilang first child ni Joyce Pring na si Alonso Eliam.
Ayon sa Instagram post ni Juancho, lalo siyang na-inspire magtrabaho dahil sa kanyang maliit na pamilya.
Sulat niya, "Back in my element - After almost a year and a half, I'm back in the set of a teleserye.
"Different times and a totally different inspiration. Miss ko na pamilya ko sobra, pero para sa kanila ito.
Halos isang buwan ang itatagal ng first leg ng lock-in taping ng Little Princess kaya maintindihan kung bakit nami-imiss ni Juancho ang kanyang misis at three-month-old na anak.
Gayunpaman, tila nakahanap naman ng bagong pamilya si Juancho sa set ng upcoming series.
Pruweba riyan ang wacky photo na ito kasama ang kanyang co-stars na sina Jo, Rodjun Cruz, Therese Malvar, at Gabrielle Hahn na pinost ng direktor ng serye na si L.a. Madridejos.
Mapapanood ang Little Princess soon sa GMA.