GMA Logo Mario Maurer and Davika Hoorne
What's Hot

Lakorn series 'Love Beyond Time,' mapapanood na sa GMA

By Aimee Anoc
Published October 25, 2021 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LPA, shear line, Amihan, easterlies to bring cloudy skies, moderate to heavy rains
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Mario Maurer and Davika Hoorne


Simula November 8, mapapanood na sa GMA ang tambalan ng Thai actors na sina Mario Maurer at Davika Hoorne.

Simula November 8, sasamahan tayo ng dalawa sa pinakasikat na bituin ng Thailand na sina Mario Maurer at Davika Hoorne para sa seryeng Love Beyond Time.

Makakasama rin natin sina Prama Imanotai, Jason Young, Sara Legge, at Kannarun Wongkajornklai sa Lakorn series na ito.

Ang istorya ng Love Beyond Time ay iikot sa buhay nina Vanessa (Davika Hoorne) at Leonardo (Mario Maurer).

Matapos na ilang beses na pagtaksilan ng kanyang asawa, pinili ni Vanessa na bumalik na lamang sa kanilang probinsya at kalimutan ang lahat ng masasakit na alaala.

Sa kanyang pagbabalik, matutuklasan ni Vanessa ang daan patungo sa nakaraan at sa kanyang bagong pag-ibig.

Hindi inaasahan ni Vanessa na ang lumang kama pala sa kanilang ancestral house ay kaya siyang dalhin sa nakaraan. Natuklasan nito na sa tuwing matutulog sa mahiwagang kama ay napupunta siya sa nakaraan na daan-daang taon na ang nakalipas.

Dito niya nakilala si Leonardo, mula sa Chiang Tung, isang matandang siyudad sa Lanna Empire. Nabibilang sa isang maharlikang pamilya si Leonardo kung saan napangasawa ng kanyang ina ang hari.

Sa panahong ito, tutulungan ni Leonardo ang kanyang stepsister na si Ysabel (Kannarun Wongkajornklai), isang prinsesa, na hindi maikasal kay Oscar (Jason Young).

Sa paulit-ulit na pagkikita, nahulog ang loob ni Vanessa kay Leonardo. Pero paano kung nakatakdang ikasal ang huli sa panahong ito? Paano ipaglalaban nina Vanessa at Leonardo ang pag-iibigan kung magkaiba ang kanilang mga panahon?

Magsisimula na ang Love Beyond Time sa November 8, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.

Samantala, kilalanin sa gallery na ito ang iba pang Thai actors na napanood na sa Heart of Asia: