
Napanood ang finale ng GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha noong nakaraang Sabado, October 23 at bukod sa mga bida nitong sina Glaiza De Castro at Rayver Cruz, talagang nag-shine din ang baguhang aktres na si Claire Castro na gumanap bilang Cielo.
Sa kuwento, nag-transform si Cielo mula sa pagiging inosente hanggang sa naging psychotic at rebellious na dalaga.
Ngayon, itinuturing siyang breakout star ng GMA matapos makipagsabayan sa galing ng mga batikang artista gaya ni Gina Alajar.
Sa katunayan, ang viral scene niya kasama ang seasoned actress and TV director ay mayroon nang mahigit five million views across social media platforms ng GMA.
Dito ay nakatanggap si Claire mula kay Gina ng malutong na backhand slap at masasakit na sabunot bago kaladkarin at ingudngod sa cake.
Kung bibigyan daw siya ng pagkakataon na masampal muli ng isang sikat na kontrabida, ito raw ay walang iba kundi si Cherie Gil.
"Isa po siyang magaling na kontrabida and it would be an honor if masampal din ako ni Cherie GIl," paliwanag ng anak ng '90s stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva sa virtual media conference niya ngayong October 27.
Para kay Claire, mas na-enjoy niya ang outrageous niyang karakter bilang si Cielo kaysa sa mga pa-tweetums na role na ginampanan niya before.
"When I read the script, may gulat factor po kasi 'yung iba pong ginagawa ni Cielo, medyo outrageous po pero, for me, po mas masaya gawin 'yung mga outrageous na scenes kesa 'yung sweet-sweet kasi mas marami ka pong na-e-express do'n, e," sabi ng magandang 23-year-old actress.
Ayon pa kay Claire, mas gugustuhin niya raw ang mga "baliw-baliwan" na character kaysa ang inaapi-api.
"For me po kasi mahirap 'yung nakakaaawang character kasi I had a conversation po with a co-star, I asked her kasi may mas experience po siya sa 'kin. Sabi niya po mas mahirap daw po 'yung nakakaawa so if ever pong may dumating na gano'n, pag-aaralan ko po talaga."
Samantala, nagsisimula pa lang ang acting career ni Claire kaya looking forward siya sa mga project na darating pa.
Kung papipiliin daw siya kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa next project niya, ito ay ang character actor na si Mon Confiado.
Sabi niya, "I recently worked with Kuya Mon Confiado, siya po 'yung naiisip ko kasi maalaga po sya as a co-star and ang galing po niya sobra, as in, talagang outstanding po."
Kung babae naman, ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas ang nais niyang makaeksena on-screen.
"Besides na magaling po siya, I heard that she's really kind sa co-stars niya. Masaya po 'pag ka-work 'yung mga gano'n."
Naging ganap na Kapuso si Claire nang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center noong 2018.
Maliban sa tawag na "breakout star," binansagan din siyang "pantasya ng bayan" dahil sa kanyang daring scenes sa katatapos lang na Nagbabagang Luha.
Tingnan ang kanyang sexy photos dito: